^

Metro

Miyembro ng ‘Ampang Colango Robbery Group’, arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Muntinlupa City Police Station ang isang miyembro ng ‘Ampang Colango Robbery Group’ na sangkot sa serye ng bank robbery at pagkamatay ng dalawang security guards  sa isinagawa nilang bi-gong panghoholdap sa isang armored van sa Parañaque noong 2007.

Sinabi ni Southern Police District Director P/Brig. General Jimili Macaraeg na naaresto sa pamamagitan ng mga warrant of arrest na inis­yu ng National Judicial Region Branch 194, 257, at 275 ng Para­ñaque City at Muntinlupa RTC Branch 276 si Bobby Rabia Baliber,  36, tubong Samar, na may patung-patong na kasong Robbery, two counts ng robbery with homicide, murder at carnapping.

Kabilang si Baliber, sa talaan ng most wanted personalities (national level) ng Department of Interior and Local Go-vernment (DILG).

Natunton ang suspect sa  Buendia St., sa Brgy. Tunasan, dakong alas-9:00 ng gabi Ka-makalawa.

Kabilang sa kinasangkutan ni Baliber at ng kaniyang grupo ang tangkang panghoholdap sa armored van ng isang banko sa Sucat, Para­ñaque, kung saan dalawang security guards ang napatay noong Hunyo 2007. Sugatan din ang teller, isa pang sekyu at isang 12-anyos na bata na tinamaan ng ligaw na bala. Nakatakas ang gru­po ni Baliber pero nabigong matangay ang pera ng banko.

Ang grupo ay pa-wang sangkot din sa serye ng bank robberies na nasa loob ng mga mall sa Las Piñas at Que­zon City at sa Southern Luzon.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with