^

Metro

Parak na nagmaneho ng ‘hot car’pinasisibak

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Parak na nagmaneho ng �hot car�pinasisibak
Kasalukuyang nakatalaga ang suspek sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit ng NCRPO, gayundin sa Payatas Bagong Silangan, Police Station 13 ng Quezon City Police District bilang Station Drug Enforcement Unit operative.
STAR/FIle

MANILA, Philippines  — Pinasisibak sa puwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major Gen. Debold Sinas ang isang police official na nahuling minamaneho ang isang carnapped vehicle.

Nitong Biyernes ng umaga nang inaresto ng mga tauhan ng PNP-Highway Patrol Group ang pulis na si Master Sgt. Danilo Pacurib, 47.

Kasalukuyang nakatalaga ang suspek sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit ng NCRPO, gayundin sa Payatas Bagong Silangan, Police Station 13 ng Quezon City Police District bilang Station Drug Enforcement Unit operative.

Lumilitaw na nagtu­ngo sa kaniyang trabaho si Pacurib nang masabat ng mga tauhan ng HPG na minamaneho ang isang “hot car” na black Hyundai Sta. Fe na improvised ang plaka.

Nahaharap si Pacurib sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 (New Anti Carnapping Law) at Presidential Decree 1612 (Anti-Fencing Law).

Nakatakda pang isailalim sa inquest proceedings ang pulis na agad namang dinisarmahan at isinailalim sa drug test.

Hinahanda na rin ang pre-charge investigation and summary hearing procedure laban kay Pacurib at ­inaalam kung sinu-sino pa ang mga kasabwat nito.

Muli namang bina­laan ni Sinas ang lahat ng mga tauhan ng NCRPO na gumagamit ng mga “recovered carnapped” vehicles para sa kanilang personal, na mananagot ang mga ito at sasampahan ng kaukulang kaso.

vuukle comment

NCPRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with