^

Metro

Liquor ban sa Muntinlupa, inalis na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binago na ng Muntinlupa City Government ang dating ipinatutupad na ‘citywide liquor ban’ na iiral anumang antas ng community quarantine, sa inamyendahang city Ordinance 2020-111 noong Agosto 7.

Sa bagong City Ordinance 2020-119, maaari nang magbenta uminom ng alcoholic beverages sa commercial establishments sa panahon ng General Commununity Quarantine (GCQ).

Sinabi ni Mayor Jaime Fresnedi na bagama’t pinapayagan na ang alak na inumin at maibenta, alinsunod sa  Inter-Agency Task Force at iba pang  implementing authorities sa panahon ng GCQ, sa lungsod ng Muntinlupa ay maaari lamang inumin ang biniling alak sa loob ng pribadong pamamahay at hindi maaring makipag-inuman sa bisita o hindi nakatira sa partikular na address.

Sa mga lalabag, may multang P500 sa first offense, P1,000 sa second offense, at P2,000 sa ikatlo at muli pang pagkakasala.

Sa mga menor-de-edad ay ‘stern warning” sa una, sa ikalawa ay pagbawi ng scholarship grants ng lokla na pamahalaan o P500.00 (non-grantee). at P1,000.00 sa ikatlong pagkakasala at sa mga susunod pa. Ang parusa at multa ay sasagutin ng mga magulang o guardians.

Regulasyon naman sa tulad ng bar at restaurants na limitahan lamang sa 2 bote ng beer at 2 serving o glasses ng hard drinks, wine at whiskey.

May katapat na  P5,000, pagpapasara ng establisyemento, suspension o pagbawi ng business permit at lisensiya at isang taong pagkakakulong.

Ani Muntinlupa Public Information Officer Tez Navarro, binago ang ordinansa sa liquor ban upang makatulong sa mga negos­yanteng makabangaon sa pagkalugi dahil sa lockdown.

Kasabay nito, naipasa rin ng City Ordinance 2020-120 na nagpapatupad ng unified curfew period mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling araw sa panahon ng GCQ base sa napagkasunduan ng Metro Manila mayors.

vuukle comment

LIQUOR BAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with