^

Metro

Habambuhay sa Mexicano na miyembro ng ‘Sinaloa’

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Habambuhay sa Mexicano na miyembro ng �Sinaloa�
Base sa pitong pahinang desisyon ni Makati City Regional Trial Court (RTC), Branch 63 Judge Selma Palacio-Alaras, hinatulan nito ng habambuhay na pagkabilanggo ang akusadong si Horacio Hernandez Herrera, 43, miyembro ito ng ‘Mexican Sinaloa Drug Cartel’.

MANILA, Philippines — Habambuhay na pag-kabilanggo ang naging hatol kahapon ng hukuman laban sa isang Mexican national, na miyembro ng isang drug cartel dahil sa kasong drug trafficking sa Makati City.

Base sa pitong pahinang desisyon ni Makati City Regional Trial Court (RTC), Branch 63 Judge Selma Palacio-Alaras, hinatulan nito ng habambuhay na pagkabilanggo ang akusadong si Horacio Hernandez Herrera, 43, miyembro ito ng ‘Mexican Sinaloa Drug Cartel’.

Bukod sa habambuhay na pagkabilanggo, inutu-san din ng korte ang akusadong dayuhan na magbayad ng P500,000 hanggang P10 million bilang moral dama­ges.

Ang hatol ay iginawad ni Judge Alaras laban sa akusadong si Herrera matapos mapatunayang guilty ito sa kasong pag-labag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dange-rous Drug Act of 2002.

Ayon sa record ng korte, nadakip si Herrera nang pinagsanib na puwersa ng PNP Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) at Philip-pine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Enero 11, 2015 sa parking lot ng isang hotel  sa Makati Avenue, lungsod ng Makati sa isang buy-bust operation at makuhanan ito ng 2,000 gramo ng cocaine kapalit ng P12 million boodle money.

Nabatid na ang  ‘Sinaloa Drug Cartel’na kinaaani­ban ng akusado ay isang organisadong sindikato,  na nakabase sa Mexican State ng Sinaloa at ikinokonsidera ng United States Intelligence Community na pinakamakapangyari-   hang illegal drug organization sa buong mundo.

Depensa naman ni Herrera, na illegal ang pagkakadakip sa kanya at dinukot aniya siya ng mga awtoridad para hingan ng malaking halaga na hindi naman pinaniwalaan ng korte.

vuukle comment

HORACIO HERNANDEZ HERRERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with