^

Metro

3 wanted sa batas, nasakote

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong wanted sa batas kabilang ang isang high school student ang naaresto dahil sa kasong rape,  sexual assault, tangkang panununog at robbery sa magkakahiwalay na operasyon sa Las Piñas at Parañaque City kamakalawa.

Alas-2:30 ng hapon nang madakip ng Las Piñas City Police ang akusadong si Christian James, 16, estudyante ng Muntinlupa National High School, nakatira sa Sporlas Compound, Brgy. Upper  Putatan,  Muntinlupa City sa naturang lugar   sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Joselito DJ Vibandor, ng Las Piñas City Regional Trial Court (RTC), Branch 199 dahil sa kasong rape at sexual assault. Walang inerekomendang piyansa  ang korte para sa kasong rape habang sa kasong sexual assault ay nasa P200,000  ang piyansa.

Alas-4:30 naman ng hapon nadakip ang akusadong si Jacob Magdaluyo, 24, binata,  ng #5210 Dandan St., Brgy. La Huerta, Parañaque City  sa naturang lugar ng mga kagawad ng Warrant and Subpoena Section ng Parañaque City Police base sa warrant of arrest na inisyu naman ni Judge Noemi J. Balitaan, ng Parañaque City RTC,  Branch 258 dahil sa kasong robbery.

Ang akusado namang si Jasmine Catherine Lopez, 23, may asawa, nakatira sa #12 Hidden Village, Brgy. San Isidro, Parañaque City ay nadakip din ng mga pulis sa  nabanggit pa ring lugar  alas-9:30 ng umaga  sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Aida Estrella Macapagal, Branch 195, Parañaque City dahil sa kasong Attempted Arson. Nasa P120,000 ang inirekomenda ng korte para sa pansamantalang kalayaan  nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with