^

Metro

Helper brokenhearted nagbigti

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang brokenhearted at matinding problema sa pag-ibig ang nagtulak sa isang helper upang kitilin nito ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa kusina ng tahanang kanyang pinaglilingkuran sa Brgy. Old Zaniga, Mandaluyong City, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang nagbiting biktima na si Melchor Royo, 30, binata, stay-in helper, sa Unit 20-A Villa Maja Town Homes Village, sa Rev. Aglipay St, sa naturang barangay.

Sa ulat nina SPO3 Emmanuel Ermino at SPO2 Jamar Sabri, ng Mandaluyong City Police, dakong alas-5:00 ng madaling araw nang madiskubre ang bangkay ni Royo sa loob ng kusina ng tahanang kanyang pinagtratrabuhan na nakabigti ang leeg gamit ang extension cord, ng kanyang kapwa helper na sina Marlyn Sanchez at Jocelyn de Vera.

 Huling nakitang buhay ang biktima kamakalawa ng gabi ng compound security guard na si Edwin Birung na bumili pa ng sigarilyo at alak mula sa isang tindahan at saka umuwi.

 Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, lumilitaw na isa sa mga posibleng dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima ay problema sa pag-ibig matapos na marekober ang cellphone ng biktima at mabasa ang ilang huling mensahe nito sa hindi pina­ngalanang nobya bago siya natagpuang patay.

 “Ano dapat nating pag­usapan bhe… Alam ko na matagal ka ng nagdududa sa akin…” “Sorry talaga eto lng ang paraan pra kalimutan mo ako, ” nakasaad pa umano sa mga text messages.

Sa kabila naman nito, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang alamin kung posibleng may naganap na foul play sa naturang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with