^

Metro

485 bullet proof vest at 150 motorcyle ibinigay sa QCPD

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinanggap kahapon ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Chief Supt. Guillermo Eleazar ang kabuuang 485 na bullet proof vest at 150 motorcycle na bigay ng pamahalaang lungsod ng Quezon City.

Personal na ibinigay ni Mayor Herbert Bautista ang nasa­bing mga gamit sa isinagawang turn–over ceremony sa Camp Karingal sa Sikatuna Village, dakong alas-8:00 ng  umaga.

Ayon kay Bautista, tungkulin ng lungsod na punuan ang logistikong pangangailangan sa kampanya ng  QCPD laban sa kriminalidad partikular ang paglaban sa iligal na droga at terorismo na siyang prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kapayapaan at pag-asa ng bansa.

Sinabi  naman ni Eleazar na isang hamon ang pahayag ng alkalde dahil ang naturang mga motorsiklo ay gagamitin ng bubuuing QCPD task force anti – riding criminal at ipapamahagi sa 12 Police Station para sugpuin ang riding – in tandem syndicate sa lungsod.

Nabatid na isusunod namang ipagkakaloob  ng pamahalaang lungsod ng Quezon ang karagdagang 1,000 helmet, 1,000 rain coat at 509 glock na baril.

Malugod na nagpapasalamat si Eleazar at agad nagpatawag ng command conference para tugunan ang hamon ng QC govt. na labanan ang kriminalidad sa lungsod.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with