^

Metro

Sepulturero pinatay sa tabi ng live-in partner

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 45 anyos na sepulturero nang pasukin ang kaniyang bahay at pagbabarilin ng dalawang lalaking nakatakip ang mga mukha ng bonnet, sa loob ng Tugatog Cemetery, sa Malabon City, nitong Huwebes ng gabi.             

Kinilala ni Insp. Paul Dennis Javier , hepe ng Malabon Police Investigation Section ang biktimang si Jun Sixto Navalez, residente ng no. 37-A Tumariz St., Tugatog Cemetery, Brgy. Tugatog, Malabon.

Sa imbestigasyon nina PO2 Aaron Blanco at PO2 Jose Romeo Germinal II, naganap ang insidente dakong alas 11:30 ng gabi sa bahay ng biktima.

Natutulog na umano ang biktima at live-in partner na si alyas “Baby” nang pwersahang pasukin ng dalawang armadong suspek na nakasuot ng mga jacket  at bonnet at niratrat ang biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan.

Hindi naman ginalaw si Baby at lumisan na ang  mga salarin.

Nakarekober sa pinangyarihan ang mga basyo ng bala ng kalibre 45 at 9 mm.

Nabatid na kabilang si Navalez sa sumuko sa “Oplan Tokhang” ng barangay at pulisya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with