^

Metro

4 todas sa QC

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
4 todas sa QC

Sa report na natanggap ni Police Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, director ng Quezon City Police District (QCPD), kinilala ang mga nasawi na sina Ferdinand Ibanez, alyas Tata, 38; John Francis Arnildez, 32; alyas Butchoy,  at Dannypel  Ballad, alias Bong, 41. File

MANILA, Philippines -  Apat na namang kalalakihan na hinihinalang sangkot sa droga ang nasawi sa magkaka­hiwa­lay na pamamaril sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sa report na natanggap ni Police Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, director ng Quezon City Police District (QCPD), kinilala ang mga nasawi na sina Ferdinand Ibanez, alyas Tata, 38; John Francis Arnildez, 32; alyas Butchoy,  at Dannypel  Ballad, alias Bong, 41.

Lumalabas sa pagsisiyasat, alas-8:20 ng gabi nang barilin ng hindi kilalang mga suspect ang biktimang si Ibanez sa panulukan ng Clemente at Betlehem Sts., Brgy. San Agustin, Novali­ches, na kaagad na binawian ng buhay sanhi ng ilang tama ng bala sa ulo at katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspect habang nakuhanan naman umano ng dalawang plastic na sachet na naglalaman umano ng shabu ang nasawi.

Alas-10:20 naman ng gabi nang pagbabarilin din ng hindi pa nakikilalang salarin si Arnildez sa Capricorn St., San Roque 2, Brgy. Bagong Pag Asa. Si alyas Butchoy  naman ay binaril ng apat na kalalakihang magkakaangkas sa dalawang motorsiklong walang plaka sa Austria St., Brgy. Novaliches Pro­per, Novaliches. Samantalang, alas-2:10 naman kahapon ng madaling araw nang pagbabarilin ng anim na mga kalalakihang nakamaskara si Ballad nang pasukin ito sa loob ng kanyang bahay sa Daisy St., Brgy. Payatas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with