^

Metro

UV Express, bawal na sa EDSA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bawal nang pumasada sa kahabaan ng EDSA ang mga UV express na ipatutupad ngayong sa buwan ng Agosto.

Ito ang inanunsiyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nagsabing mahigpit nang ipagbabawal na gamitin ng  mga UV express unit ang kahabaan ng EDSA.

Ito ay ayon sa mandato ng LTFRB na isang paraan upang maibsan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa naturang lansangan.

Sa ilalim ng ipinalabas na memorandum circular number 2016-009 na may petsang Hulyo 28, 2016 ng LTFRB, hindi na nito pinapayagan ang lahat ng AUV Express na dumaan sa EDSA maliban na lamang kung tatawid ito patungo sa ibang direksiyon.

Umaasa naman  ang  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na dahil dito, bahagyang magluluwag ang trapik sa EDSA .

Ayon kay MMDA chairman Emerson Carlos, sa hakbangin aniya ng LTFRB, magiging epektibo ang pagpapatupad nito sa unang linggo ng buwan ng Agosto ng taong kasalukuyan matapos itong mailathala sa mga pahayagan na may general circulation.

Ayon kay Carlos kapag epektibo na ang pagpapatupad ng LTFRB sa pagbabawal sa mga UV Express,  mahigpit na babantayan ng mga enforcer ng MMDA ang EDSA laban sa mga  ito at kapag nahuli ang mga ito ay papatawan ng “out-of-line” na may malaking multa.

Kaya’t payo ni Carlos sa mga  UV express ser­vice commuters at  operators, kinakailangan nila aniyang mag-adjust sa kautusang ito ng LTFRB.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with