^

Metro

PUP professor ninakawan na, pinatay pa

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang col­lege professor ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) matapos itong pagnakawan at pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang salarin  sa loob ng tinitirhan nitong condomi­nium sa Pasay City, ka­makalawa ng gabi.

Kinilala ang nasa-wing biktima na si Isagani Santa Maria, 57, ng Geenery Buil-ding,  One Metropolitan Condominium, na matatagpuan sa Edang St., Brgy. 153, Zone 16 ng naturang lungsod. Nagtamo ito ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang pulisya para sa pagkakakilanlan ng suspek at agarang pagdakip  dito.

Ayon kay Senior Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police, alas-7:55 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng condo unit nito ng kanyang mga kasamahan sa simbahan na sina Daniel Alingeg, 48, isang freelance photographer at Gina Nuñez, 38.

Nabatid kay Doria na pinuntahan nina Alingeg at Nuñez ang biktima sa condo unit nito kung saan tumambad sa kanila ang duguang si Santa Maria.

Kaagad nila itong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.

Kwento ng guwar­dya ng condominium, bago ang pagkakadiskubre sa bangkay ng biktima, mag-aala-6:00 ng gabi nang makita na ang huling kasama ni Santa Maria ay lalaking pedicab driver.

Inihatid   ang biktima ng pedicab driver sa unit nito na bitbit ang isang plastic na nag­lalaman ng pinamili ng una.

Nabatid na nawawala ang wallet at cellphone ng biktima.

Nabatid na si Santa Maria ay college professor sa PUP, mag-isa lang itong nakatira sa naturang condomi-nium at matagal na itong hiwalay sa asawa na nagtra-trabaho sa ibang bansa.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.

                                              

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with