^

Biker lasog sa bus

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Lasog ang isang biker nang mabangga ng isang bus habang sakay siya ng kanyang bisikleta sa Pasig City, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Bienvenido Brabante,  residente ng Purok 1, East Bank Road, Floodwater, Brgy. Sta. Lucia, Pasig City.

Sa ulat ng Pasig City Police, nabatid na  dakong alas-5:00 ng hapon nang maganap ang aksidente sa Ortigas Avenue, sa harapan ng Sto. Rosario Church sa Brgy. Rosario sa lungsod.

Ayon sa report, sakay ang biktima ng kanyang bisikleta at binabaybay ang kahabaan ng Ortigas Avenue nang iwasan nito ang isang bato sa kalsada at sa pag-iwas ay aksidente namang nahagip ng Daewoo passenger bus na minamaneho ni Sonny Boy Espiritu.

Pumailalim ang biktima at nahagip ito ng gulong ng bus sa harapan na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Matapos ang aksidente ay agad naman sumuko sa Pasig City Police Station ang driver ng  bus kung saan siya ngayon nakakulong habang inihahanda ang kaso laban sa kanya.

ANG AYON BIENVENIDO BRABANTE BRGY EAST BANK ROAD ORTIGAS AVENUE PASIG CITY PASIG CITY POLICE PASIG CITY POLICE STATION ROSARIO CHURCH SONNY BOY ESPIRITU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with