^

Metro

Dating admin ng LRTA, pumalag sa SONA ni PNoy

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pumalag ang dating admi­nistrator ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa paninisi ni Pangulong Noynoy Aquino sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa palpak na serbisyo ngayon ng LRT at Metro Rail Transit (MRT-3).

Ayon kay dating LRTA Administrator Mel Robles, mas maraming tren ang bumibyahe noong panahon nila at mas maikli ang pila sa mga istasyon ng tren. Pinuna rin ni Robles ang pagbasura ng gobyerno sa kontrata ng maintenance contractor na Sumitomo dahil sa aniya’y maling pagtitipid ng administrasyong Aquino.

Giit pa niya, hindi niya ma­intindihan ang pagkuha ng pamahalaan ng mas murang mga kontrata ngunit hindi naman gumagana ang mga ito,   kaya’t lumalabas na hindi mahal ‘yun. ‘Yun lamang ang tamang presyo,” paliwanag pa niya. Pinuna rin naman nito ang mataas na pasahe ngayon sa MRT-3 gayung hindi naman gumaganda ang serbisyo ng tren.

Samantala, nakatakda nang ibiyahe patungo sa Pili­pinas ngayong araw (Hulyo 29) ang prototype train car para sa Metro Rail Transit (MRT-3) system.

Ayon kay Department of Transportation and Com­munications (DOTC) Secretary Joseph Emilio Abaya, ina­asahang makakarating sa bansa ang prototype sa Agosto 10-14.

Matapos itong i-assemble ay maisasailalim ito sa static testing sa Setyembre at dynamic testing naman sa kalagitnaan ng Nobyembre.

vuukle comment

ACIRC

ADMINISTRATOR MEL ROBLES

ANG

AYON

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COM

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

METRO RAIL TRANSIT

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PINUNA

SECRETARY JOSEPH EMILIO ABAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with