^

Dr. Love

Dahil sa katatanggi

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hi and Hello to you. Please withhold my real name and simply call me Ernie of Makati. I am 28 years old at may matatag na trabaho.

My problem is about my girlfriend. Nagdaramdam po ako ngayon dahil nakipag-break siya sa akin recently.  Pero hindi ko tinanggap ang pakikipagkalas niya.

I persisted to write her and text her and message her on facebook. Kapag dumadalaw ako sa kanila ay hinaharap niya naman po ako. Kaya sa palagay ko, hindi siya seryoso sa pakikipag-break niya. Naisip ko, baka kaya dahil ilang ulit na siyang nagsabi sa akin na magpakasal kami pero ako ang tumatanggi dahil gusto ko sana ay well-prepared kami bago pasukin ang married life.

Nitong mga nakaraang araw ay parang nanlalamig siya. Hinaharap lang niya ako kapag dumadalaw pero hindi na siya sweet. Dapat ko pa bang ituloy ang panunuyo sa kanya?

Ernie

Dear Ernie,

Pareho kayong nasa edad na, kaya marahil siya nagyayaya ng kasal. Baka sa katatanggi mo, iniisip niya na niloloko mo lang siya. Bakit nga ba ayaw mo pang magpakasal, eh malapit na kayong mag-trenta?

Kung mahal mo pa siya, ikaw na siguro ang mag-alok ng kasal sa kanya, baka magbago ang pagtingin niya sa iyo. Hindi na kayo teenager aba.

Kaya mag-usap nga kayong mabuti. Alamin mo ang real score kung mahal ka pa ng kasintahan mo kahit nakipag-break na siya sa iyo. Again, kung mahal mo siya, ikaw na ang mag-offer na magpakasal kayo. Kung ayaw na niya talaga, sorry ka na lang.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with