^

Dr. Love

Paano makikipag-break?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

 

Umaasa ako na ikaw ay nasa malusog na kalagayan, Dr. Love sa pagtanggap mo ng sulat na ito.

Ako po si Sandy, 19 anyos at magiging 20 years old na next month.

Mayroon akong boyfriend ngayon for 3 months, pero hindi ko siya talagang gusto. Nagkabiruan lamang kaming mga magkakaibigan kaya ko siya sinagot.

Hanggang dumating sa buhay ko ang lalaking nagpakilig sa akin.  Huwag na nating banggitin ang kanilang pangalan. Niligawan niya ako at agad ko siyang sinagot.

Gusto kong makipag-break sa other boyfriend ko na hindi ko mahal. Kaso natatakot ako dahil noon pa man ay sinabi niyang love na love niya ako to the max at magpapakamatay siya kapag nawala ako. Paano ko sasabihin ito sa kanya?

Sandy

Dear Sandy,

Mas magiging unfair ka sa boyfriend mo na hindi mo mahal kung papaniwalain mo siyang mahal mo siya, may iba ka namang minamahal talaga.

Wala kang ibang choice kundi makipag-break sa isa dahil hindi puwedeng mamangka sa dalawang ilog.

Nakakatakot nga kung magpapatiwakal siya at baka maging kargo pa iyan ng konsensya mo. Pero ikaw ang may gawa ng problema, lutasin mo sa tamang paraan.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with