^

Dr. Love

Huwag ismolin ang pagsasaka

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nagpapaabot ako sa iyo at sa iyong mga readers ng masayang pagbati. Harinawang nasa mabuti kang kalagayan sa pagtanggap mo ng sulat ko. Tawagin mo na lang akong Nestor, 24-anyos at binata. High school lang ang natapos ko pero mahilig akong magsulat ng mga short story at tula sa wikang Pilipino. Nailalathala naman ang ilan sa mga ito sa isang local paper dito sa aming lalawigan sa Ilocos Norte.

May dalaga akong mahal na mahal. Tulad ko ay magsasaka rin ang magulang. Niligawan ko siya pero ang sabi niya, unawain ko raw siya. Kahit may gusto siya sa akin ay magiging mahirap ang kalagayan ng magiging pamilya namin dahil pareho kaming magsasaka lamang.

Sabi niya, kapwa na lang kami maghanap ng kapareha sa buhay na magpapaunlad sa aming kabuhayan. Masakit ang sinabi niya pero wala akong magagawa. Dapat ko pa bang ipilit ang aking sarili sa kanya?

Nestor

Dear Nestor,

Huwag maliitin ang pagsasaka. Sa ibang bansa, ang mga magsasaka ang pinakamayaman sa lipunan. Kung tutuusin, magugutom ang buong bansa kung mawawala ang mga magsasaka na siyang magpo-produce ng pagkain.

Nagtataka ako kung bakit iba ang kalagayan ng ating mga magbubukid sa sarili nating bansa.

Kung mahal mo siya, magsikap kang mapaunlad ang iyong kabuhayan sa pagnenegosyo. If there is a will, there is a way.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with