^

Dr. Love

Liberated woman

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Just call me Celeste, 27 years old. Hindi na ako magpapaliguy-ligoy, liberated woman ako.

Palabiro rin ako at open minded pagdating sa isyu ng sex.  Kaya nagkaroon ako ng reputasyon na easy-to-get at malandi. Pero sa totoo lang, very reserved ako pagdating sa chastity ko. Yes, I am still a virgin up to now bagama’t marami akong naging boyfriend.

However, lahat sila ay hindi ako sineryoso dahil isa lang ang hangad nila sa akin, ang pagkababae ko. Pero kapag nagpaparamdam na sila ay agad ko na silang dinidispatsa.

Siguro umabot ako sa age na ito na single pa dahil mapili ako sa lalaki. Ayoko nang mapagsamantala.

May nanliligaw sa akin ngayon at hinahamon ako ng kasalan. I do not find the guy very appealing bagama’t matalino, malinis sa katawan at maginoo.

For the first time sa buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganitong lalaki na naghahamon agad ng kasalan. 

Isa siyang batang businessman at may pa­ngarap sa buhay. Okey bang sagutin ko siya  kahit wala akong nararamdaman na pagmamahal para sa kanya?

Celeste

Dear Celeste,

Nade-develop ang pag-ibig. Pero hindi ibig sabihin nito ay sang-ayon akong mag-commit nang walang love. Importanteng maramdaman mo muna ito bago mo hayaang maging bahagi siya ng buhay mo. Bigyan mo muna ng pagkakataong magkakilanlan kayo ng mabuti, maging magkaibigan muna kayo.

Over time, malalaman mo kung may posibilidad na mahalin mo siya at tumugon sa hamon niyang kasal.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with