^

Dr. Love

Takot ma-in love

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Very timing ang pagkakataon na na ikuwento sa akin ng kababata ko ang tungkol sa column mo. Dahil may pinagdaraanan ako ngayon at hindi ko masabi ang tungkol dito, kahit sa pinakamatalik kong kaibigan. Mukhang nai-in love na ko, pero nilalabanan ko dahil natatakot ako.

Dati ko siyang kaklase sa isang minor subject sa engineering class ko. Dalawang taon pa bago ako maka-graduate at natatakot akong maging hadlang ang pagkakaroon special feelings sa iba.

Ayaw ko po matulad sa mga pinsan ko na natigil sa pag-aaral dahil sa matinding depression nang mag-break sila ng boyfriend niya. Ang nakakatandang kaibigan ko naman ay buntis ngayon at talaga namang hindi malaman kung saan kukuha ng pantawid-gutom, itinakwil siya ng mga magulang niya nang malamang sa boyfriend nagpupunta at hindi sa eskwelahan.

Natatakot po akong masaktan at lokohin. Noong high school ako may ka-MU po ako pero pinaglaruan lang pala niya at mga kabarkada niya ang feelings ko. Nalaman ko na pinagpustahan lang pala nila kung kakagat ako sa pagpapa-cute ni Nelson.

Pero ngayon po isang lalaki ang umaaligid sa akin. Pareho kami ng course, magkaiba lang ng section. Madalas ay inaabangan niya ako para alukin na sabay mag-lunch o kaya’y sabay kaming umuwi. Panay din ang pagpaparamdam niya sa facebook. Sa huling post niya, sinabi niyang “I finally found the girl!”

Malakas po ang kutob ko na ako ang tinutukoy niya. Dr. Love. Dahil sa pagiging persistent niya, ay nararamdaman kong nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Pero ayaw ko pong payagan ang sarili ko, baka mapaglaruan lang uli ako at masaktan. Pagpayuhan po ninyo ako.

Maraming salamat at Happy Valentine’s Day!

Gie

Dear Gie,

Palagay ko, hindi ka pa handa para pasukin ang pakikipagrelasyon. Kung ako ang tatanungin, ok lang naman ‘yun. Dahil bata ka pa naman kaya no need to rush. Makakapaghintay ang pag-ibig at kung tapat ang hangarin sa’yo ng nagpapara­m­dam na guy, irerespeto niya ang stand mo. Mas maganda kung mahihintay ka niya, ibig sabihin lang seryoso siya sa’yo. Kaya aral muna ha. Happy Valentine’s Day din sa’yo.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with