Iba ang mahal
(Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2016 - 9:00am

Dear Dr. Love,

Hello po! Matagal ko na pong balak na sumulat sa inyo at humingi ng mahalaga ninyong payo pero dahil inakala kong makakaya kong lampasan ito sa sarili kong paraan, hindi natutuloy ang pagsulat ko.

May boyfriend po ako ngayon na gusto ko nang kalasan, dahil nakakatiyak na ako na hindi ko siya kayang mahalin. Iba po kasi ang matagal nang laman ng puso ko. Kaya lang hindi malinaw kung may damdamin din siya para sa akin, kaya nag-entertain ako ng manliligaw at napasok sa relasyon.

Alam ko po na kusang lumayo si Deo matapos niyang paglapitin ang loob namin ni Vic. Kababata ko po siya at matagal na akong may pagtatangi sa kanya. Tinatawag ko siyang kuya dahil matanda siya sa akin ng dalawang buwan.

Inireto ko rin siya minsan sa kaibigan kong si Marissa, pero hindi sila nagtagal dahil laging raw siyang inihahambing ni Deo sa akin. Lihim pong pumapalakpak ang tenga ko sa bagay na ito.

Nagkaroon lang ng kumpirmasyon na may ­fee­lings din pala si Deo sa akin, nang tanungin niya kung ikakasal na kami ni Vic. Sinabi kong hindi.  Dahil alam kong hindi kami magiging maligaya kapag ganitong may ibang laman ang puso ko.

Tinanong niya ako kung may iba akong mahal, sinabi ko na matagal na. Kaya lang ipinagtutulakan niya ako sa iba. Manhid kako siya. ‘Yun na ang sandaling natauhan si Deo, Dr. Love at inaming matagal na rin niya akong mahal, pero hindi niya raw kayang ibigay ang maginhawang buhay na matagal ko nang pangarap. Dahil marami pa siyang obligasyon sa kanilang pamilya.

Alam kong masasaktan si Vic, pero buo na ang desisyong kong makipaghiwalay sa kanya. Si Deo ang mahal ko at siya ang gusto kong makasama sa pagbuo ng sariling pamilya. Tulungan po ninyo ako kung paano ako makikipagkalas kay Vic, Dr. Love.

Maraming salamat po.

Gumagalang,

Angela

Dear Angela,

Para sa akin ang pinakamagandang paraan ay maging tapat ka kay Vic. Dahil for all you know, matagal na niyang nararamdaman na may iba sa puso mo. Maaaring hindi maging madali sa umpisa ang lahat, pero mas maigi na ito kaysa manatili kayo sa isang relasyon na puno ng pagkukunwari.

DR. LOVE

ACIRC AKO ALAM ANG DAHIL DEAR ANGELA DEO DR. LOVE HINDI KONG STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with