^

Dr. Love

It’s a date!

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo at sana masigla kayo sa pagtanggap ng email ko. Tawagin n’yo na lang po akong Imee, 25 years old at relihiyoso. Isa po ako sa nananabik na makita nang personal si Pope Francis.

May kaunting problema lang po dahil special holiday ngayon at sa mga susunod na araw ay nag­lalambing naman na mag-date ang boyfriend ko. Pero hindi ko po maikakaila na mas nakakalamang sa kalooban ko na bigyang-daan ang hangad ko na makarating ng maaga sa lugar na daraanan ng Santo Papa.

Bagay na hindi po maintindihan ng aking boyfriend. Nagtatampo po siya ngayon sa akin dahil hindi ako umayon na mag-date kami ngayon. Sa pakiwari niya’y balewala raw siya sa akin. Hindi po totoo ‘yun, Dr. Love.

Isang pambihira at minsanan lang na pagkakataon na madalaw tayo ng Santo Papa, kaya dapat hindi ito palampasin. Pwede naman naming i-reset ang date dahil any time ay pwede naman niya akong puntahan sa bahay.

Pero paano ko po ito maipapaliwanag ng mabuti kay Dan. Pangalawang araw na po nakapatay ang cellphone niya. Kapag tumatawag naman ako sa landline, laging tulog o kaya’y sinasabi na tumawag na lang ako uli.

Pagpayuhan po ninyo ako, Dr. Love. Nakakapag-isip po kasi ako na makipag-break na lang sa kanya. Dahil kung sa simpleng bagay ay hindi niya ako maintindihan, paano pa kaya kapag medyo challen­ging na ang trials sa aming relasyon?

Maraming salamat po. God bless!

Shing

Dear Shing,

Kung tutuusin ay simpleng bagay lamang ang namamagitan na tampuhan sa inyo ng iyong boyfriend. Kaya sa palagay ko ay hindi muna dapat maging option ang break up.

Pwede mo pa rin namang pagbigyan ang sarili mo na magpunta sa lugar na pupuntahan ng Santo Papa at pagbigyan na mag-date kayo ng boyfriend mo. Hindi mo nabanggit kung saan partikular ka mag-aabang kay Pope Francis. Pero halimbawa, bukas (Enero 18) nasa Quirino Grandstand siya. Pwedeng dun kayo magsimba at tuloy mag-date na rin pagkatapos. ‘Di ba? Sige na, ayain mo na siya.

DR. LOVE

vuukle comment

AKO

DEAR SHING

DR. LOVE

PERO

POPE FRANCIS

PWEDE

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with