^

Bansa

27 patay sa hambalos ni ‘Odette’

Angie dela Cruz, Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
27 patay sa hambalos ni ‘Odette’
Walang natira sa mga kabahayan sa bayan ng Hernani, Eastern Samar matapos bayuhin ng super typhoon Odette.
Alren Beronio/Alan Tangcawan/AFP

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 27 ang patay sa Bagyong Odette matapos na manalasa sa  ilang lugar sa Visayas at Mindanao.

Batay sa ulat, 20 ang patay sa Metro Cebu bunsod ng malakas na ha­nging humampas sa mga puno at mga kabahaya­n. Winasak din ni Odette ang mga establisimyento maging ang mga salamin ng ilang mga hotels.

Apat naman ang na­italang casualties sa Wes­tern Visayas kasabay ng pananalasa ng bagyong Odette.Ang unang casual­ty ay si Rosalyn Gustilo, 54, residente ng Barangay Sambag, Jaro, Iloilo City. Si Gustilo ay namatay matapos madaganan ng puno ng kawayan ang kanilang bahay.

Sunod naman na namatay ay ang mag-asawa mula sa Barangay Ravina Sur, Sibunag, Guimaras. Ang mag-asawa ay sina Virginia Palencia, 62, at ang mister naman nito ay si Rudolfo Castro, 76.

Una nang naitala ng Philippine Command Center, ang pagkamatay ng isang 14-anyos na batang lalaki nang  mabagsakan ng puno sa Brgy. Dao, San Fernando, Bukidnon gayundin si Nestor Virtudazo Salvana, 55 ng Purok, Brgy. Mosangot, Binuagan, Misamis Oriental.

Sa Iloilo, sinabi naman ni Mayor Jerry Trenas na isa ang naitalang  nasawi.

Natagpuan naman at nailigtas ng Philippine Coast Guard sina Jovel Tipon, 29 at Noel Dela Cruz, Jr. 33 kapwa residenteng  Sitio Pasil, Brgy. Enclaro. Binalbagan, Negros Occidental.

Ang dalawa ay naiulat na nawala habang  nangi­ngisda sa karagatan ng Binalbagan.Tatlo naman ang iniulat na sugatan at isa dito ay nakilalang si Angelito Moralde, 35 ng  Sitio Langga, San Vicente, Sumilao, Bukidnon.

Tinatayang  nasa 198,417  evacuees naman ang inilikas sa ibat ibang local government units sa 8,000 mga eva­cua­tion centers bilang bahagi ng  preemptive evacuation.

Nasa 152 lugar naman ang  sinasabing binaha sa Eastern at Central Visayas at Northern Mindanao.

Kabilang dito ang Western Visayas, 62,510; CARAGA, 57, 410; Central Visayas, 44,615; Region 4B-MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan), 1,995; Eastern Visayas, 16,274 at  Northern Mindanao, 9,471.

Nasa 492 ang nawalan ng  communication signal at 154 lugar ang nawalan ng  supply ng  kuryente.

Umaabot naman sa 14,000 pulis ang pinakilos sa mga apektadong lugar partikular ang mga may  alam  sa search and rescue.

Ayon sa PAGASA, siyam na beses nag-landfall ang bagyong Odette kahapon.

Huli itong namataan sa layong 130 km timog kanluran ng Cuyo, Palawan o nasa layong 155 km sila­ngan hilagang silangan ng Puerto Princesa City tag­lay ang lakas ng hangin na 155 kph at pagbugso na 215 kph.

Si Odette ay kumikilos pakanluran sa bilis na 25 kph.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with