^

Bansa

Roque isinisi sa 'pasaway' ang pagdami ng COVID-19 cases, iba sa sinabi ng gov't task force

James Relativo - Philstar.com
Roque isinisi sa 'pasaway' ang pagdami ng COVID-19 cases, iba sa sinabi ng gov't task force
Kuha nina presidential spokesperson Harry Roque (kaliwa) at Cabinet Secreary Karlo Nograles
The STAR/Joven Cagande, File; The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Ibinunton ng Palasyo ang galit nito sa mga "pasaway" na ayaw sumunod sa enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon, Huwebes, matapos magtala ng pinakamalalang coronavirus disease (COVID-19) cases ang bansa sa buong Timog-Silangang Asya. 

"Ang dami pong pasaway sa atin. At dahil po diyan, number one na naman po tayo sa ASEAN sa dami ng COVID-19," sabi ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang virutal briefing.

"Nakakahiya po 'yan. Itigil niyo na 'yan pagiging pasaway. Manatili kayo sa inyong mga tahanan."

Aniya, walang-wala raw ang Pilipinas sa mga bansang Singapore at Malaysia, na nagpapatupad din ng kanilang sariling bersyon ng lockdown: "[L]ahat sumusunod! ... Dito lang sa Pilipinas, nagkaroon ng trapik sa SLEX at sa Divisoria despite ECQ."

Sana'y magpakita rin daw ng disiplina ang ating mga kababayan dahil ginagawa ito para hindi na kumalat ang COVID-19, na tumama na sa 5,453 at pumatay sa 349 sa bansa.

Dahil sa Luzon-wide lockdown, suspendido pa rin ang lahat ng pampublikong transportasyon, klase at iba't ibang uri ng trabaho sa nasabing kapuluan.

"Mahiya naman po tayo. Hindi na po natin ide-deny 'yan. Dahil dapat tayong mga Pilipino, mahiya. Dahil hindi tayo nagpapakita ng disiplina," sabi pa ni Roque, na kababalik lang sa nasabing tungkulin matapos palitan ni Salvador Panelo.

Iba ang tono sa IATF?

Sa kabila ng panggagalaiti ng Malacañang, kapansin-pansing iba ang itinuturong dahilan ni Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases spokesperson Karlo Nograles sa pagiging "number one" ng Pilipinas sa buong ASEAN.

Ayon kay Nograles kanina, na Cabinet secreary din, talagang lalaki ang bilang ng confirmed COVID-19 infections sa bansa dahil sa pagtindi ng testing na ipinatutupad ng gobyerno.

"'Yung number of cases ng COVID-19 sa Pilipinas is a function, we believe... of the expansion of our testing capacity, capability and implementation," sabi ni Nograles sa sarili niyang virutal presser.

"For argument's sake, sabihin natin, it settles talaga at 17% ['yung nagpopositibo sa lahat ng tine-test]... The more tests we conduct, kung maging 50,000 or 60,000 tests na 'yan, i-multiply mo nang 17%, 'yan 'yung number of possible COVID-19."

Kahapon lang nang magsimulang magpatupad ng mass testing ang Pilipinas laban sa COVID-19, bagay na huling-huli kumpara sa mga kapitbahay ng bansa sa Timog-Silangang Asya.

Bagama't inaasahan ang paglaki, sinabi naman ni Nograles na mas madali raw maihihiwalay sa hindi pa nahahawaan at mas mabilis magagamot ang mga may sakit kung maagang made-detect ang may virus.

Aminado naman si Roque sa delay sa mass testing, ngunit tiniyak na ginagawan na ito ng paraan.

"Totoo naman po... But it is now underway. And the target is 900,000 PCR testing, 2.2 million rapid testing," sabi ng spokesperson.

Related video:

vuukle comment

HARRY ROQUE

KARLO NOGRALES

MASS TESTING

NOVEL CORONAVIRUS

SOUTHEAST ASIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with