^

Bansa

Record high na init sa Metro Manila naitala sa 38.8°C

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Record high na init sa Metro Manila naitala sa 38.8°C
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Service Administration (PAGASA), tinalo nito ang huling naitalang all-time high hot temperature para sa Metro Manila na 38.6ºC noong 1915.
Freeman / File

MANILA, Philippines — Umabot ang init ng temperatura sa Metro Manila kahapon sa record high na 38.8 degrees.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Service Administration (PAGASA), tinalo nito ang huling naitalang all-time high hot temperature para sa Metro Manila na 38.6ºC noong 1915.

Inasahan kahapon na pumalo sa 44°C ang heat index sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City habang 43°C naman sa Science Garden sa Quezon City.

Sinasabing ang heat index ay ang sukatan ng temperatura na nararamdaman ng isang tao na taliwas sa aktwal na temperatura ng hangin. Ito ay kinakalkula sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa halumigmig at temperatura ng hangin.

Inaasahang hanggang kalagitnaan pa ng Mayo  mararanasan ng bansa ang matinding init ng panahon.

Ayon sa PAGASA, kadalasang mainit ang mga buwan ng Marso, Abril at Mayo subalit mas pinatindi pa ito ng nararanasang El Niño.

Dahil sa matinding init, marami ang nagtutungo sa mga shopping malls at mga hotel upang maibsan ang init ng panahon.

Kaugnay nito, pinaaalahanan ng PAGASA ang  publiko laban sa heat cramps at heat exhaustion partikular sa mga lugar na makararanas ng danger level heat index na 42 hanggang 51°C. Mag-ingat din sa heat stroke dahil sa pagbibilad sa araw.

Sakaling makaranas ng heat stroke symptoms kailangan na dalhin sa ma­lilim na lugar ang indibiduwal at hubaran ng damit.

Makatutulong din ang paglalagay ng cold compress sa mukha, ulo, batok, kilikili at pulso.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with