^

Bansa

Tulfo, isusulong pagbenta ng NFA rice sa palengke

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Tulfo, isusulong pagbenta ng NFA rice sa palengke
Ito raw ang isusulong ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ngayong linggo sa Kamara na anya’y tanging paraan para bumaba ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.
STAR / File

MANILA, Philippines — “Magbenta muli ng NFA rice sa mga palengke  para maging affordable ang bigas sa lahat”.

Ito raw ang isusulong ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ngayong linggo sa Kamara na anya’y tanging paraan para bumaba ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.

“Noong may NFA rice pa sa palengke, mas mura sila ng P5 to P10 per kilo kumpara sa regular commercial rice”, ayon kay Tulfo, House Deputy Majority Leader.

Aniya, “pero para mangyari ito, kailangan na talagang ibasura itong RA 11203 o Rice Tariffication  Law”.

Ayon kasi sa nasabing batas, ipinagbabawal na sa National Food Authority (NFA) ang pagbebenta ng bigas bagkus ito ay maaring mag-imbak na lang ng bigas bilang buffer stock ng bansa para sa panahon ng emergency.

“May mga batas kasi tayo na ‘di na naangkop sa panahon kaya kailangan ng rebyuhin o ibasura”, dagdag pa ng mambabatas.

Pahabol ni Tulfo, “kagaya ngayon mahal ang bigas at naghahanap ang tao ng murang bigas…and its only NFA that can deliver that”.

vuukle comment

ACT

NFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with