^

Bansa

PNP handa sa Labor Day protests

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Philippine National Police (PNP)  chief Director General Oscar Albayalde  na handa ang buong kapulisan para sa anumang kilos protesta ng ilang grupo sa pagdiriwang ng International Labor day bukas, Mayo 1.

Paliwanag ni Albayalde, ang kapulisan ay nakaranas na ng mga protesta at rally sa mga pangunahing lansangan tuwing Mayo 1 ng bawat taon

Dahil dito kaya inaasahan na nila ang mga kilos protesta at napaghandaan na nila ito lalo na sa National Capital Region (NCR).

Ang kaibahan lamang umano nito ngayon ay inaasahan nila ang massive protest action ng mga manggagawang grupo at pederasyon matapos na mabigo si Pangulong Duterte na lagdaan ang executive order laban sa kontraktuwalisasyon.

Ayon kay NCRPO Chief Director Camilo Cascolan, magtatalaga sila ng may 10,000 pulis sa mga lugar kung saan magkakaroon ng mga rally at protesta.

Hindi naman bibigyan ng armas ang mga pulis na magsisilbing Civil Disturbance Management (CDM).

Nauna nang nagbanta sina Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa Secretary General Joua Mata at ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na mag-oorganisa ng may 15,000 katao para sa ma­lawakang kilos protesta sa Araw ng Paggawa.

Sa kabila nito, sinabi naman ni Albayalde na wala pa siyang natatanggap na impormasyon na may ganoong plano ang nasabing grupo, suba­lit handa pa rin umano ang kapulisan sakaling mangyari ito.

Nilinaw din ng PNP Chief na paiiralin nila ang maximum tolerance sa mga magsasagawa ng  kilos protesta  sa Mayo.   

vuukle comment

INTERNATIONAL LABOR DAY

OSCAR ALBAYALDE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with