Entertainment industry dagsa ang suporta kay Leni
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Dinagsa si Liberal Party (LP) vice presidential candidate Leni Robredo ng suporta mula sa iba’t ibang personalidad galing sa pelikula, telebisyon at musika.

Sa isang dinner-meeting, nagpahayag ng suporta sina Angelu de Leon, Wowie Rivera, John Estrada, Paolo Contis, LJ Reyes, Carlo Gonzalez, Rap Fernandez, Yan Yuson, Gabby Eigenmann, Max Collins, Tim Yap at Arthur Solinap sa pagtakbo ni Robredo bilang bise presidente.

Sa nasabing pulong, nagkaroon ng pagkaka­taon ang mga miyembro ng industriya ng showbiz na makilala nang husto si Robredo at malaman ang kanyang mga plano para sa bansa at mahihirap na sektor ng lipunan.

Sa kanyang Facebook account, sinabi ni Yuson, na isang musikero, na noon pa man, si Robredo na ang kanyang pambato bago pa nakilala nang personal.

“Had the honor and privilege of meeting Rob­redo this evening, thanks to the helpful efforts of a few good friends. She was already my choice for Vice President,” wika ni Yuson.

“This evening had me convinced that so long as there are people like her we can count on, the nation has hope. Integrity, hard work, action, commitment, courage, simplicity, humility, selflessness,” dagdag pa niya.

Hinikayat din ni Yuson ang iba pa na hayagang suportahan si Robredo, na inilarawan niya bilang “patriotism honed in decades spent in grassroots public service”.

Bago rito, ilang mang-aawit at banda na ang nagpakita ng suporta kay Robredo sa pamamagitan ng isang fund-raising dinner-concert.

Kabilang dito ang mga singer na sina Bituin Escalante at Jim Paredes at banding Periodiko, ACTS Philippines at The Company.

Sa isang panayam, sinabi ng aktor na si Enchong Dee na suportado niya si Robredo at naniniwala siya sa integridad at kakayahan nito.

ACIRC ARTHUR SOLINAP BITUIN ESCALANTE CARLO GONZALEZ ENCHONG DEE GABBY EIGENMANN JIM PAREDES JOHN ESTRADA LENI ROBREDO ROBREDO YUSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with