^

Pang Movies

Content creator pasok din sa Cyber Libel Kiko Pangilinan kinasuhan ang Youtube at Google!

Salve V. Asis - Pang-masa
Content creator pasok din sa Cyber Libel Kiko Pangilinan kinasuhan ang Youtube at Google!
Sharon at Kiko

MANILA, Philippines — Itinuloy na ni former Senator Kiko Pangilinan ang demandang cyber libel sa Department of Justice Office of Cybercrime laban sa isang YouTube channel creator gayundin sa mga opisyal ng YouTube at Google Philippines.

Sa kanyang complaint-affidavit ay may tinukoy ang mister ni Sharon Cuneta na YouTube channel kung saan ilang video na may malicious at libelous content daw laban sa kanya at sa kanyang pamilya ang ini-upload nito.

Sinabi rin niya na isinama niya ang YouTube at Google sa kanyang reklamo dahil sa hindi diumano nila pagkilos sa kanyang napakaraming reklamo mula nang ma-upload ang mga video noong December 2023.

Nakasaad din sa kanyang reklamo na ang mga video ay naglalarawan sa kanya bilang isang taong nang-aabuso sa kanyang asawa at mga anak ay nakaapekto sa kanyang pangalan at naging dahilan ng matinding anxiety at stress.

“We filed cybercrime charges against the owners of Bungangera TV YouTube channel for maligning our reputation as public servant and Sharon’s husband.

“The libelous videos that contain public and malicious imputations are also meant to destroy my family and damage my relationship with my wife and children,” bahagi pa ng statement niya sa X or Twitter.

Sandro at Alexa humantong sa hiwalayan ang relasyon

Split na raw sina Cong. Sandro Marcos and sexy star Alexa Miro.

Medyo matagal-tagal na raw ayon sa usap-usapan.

Biglang naalala si Alexa nang regaluhan ni Pangulong Marcos ang isang libro ang anak na congressman na pinamagatang Sex for Lazy People: 50 Effortless Positions So You Can Do It Without Overdoing It ni Ginny Hogan.

Nag-30 years na pala ito last March 7.

“Mayroon akong sariling regalo para sa iyo dahil ikaw ay halos isang senior citi-son. I found you this guide,” say ng Pangulo sa kanyang pinakabagong vlog na ipinost sa YouTube.

“Makakatulong ito sa iyo,” sabi pa ng presidente na nakatawa kasama si First Lady Liza Marcos habang binabati nila ang kanilang anak ng happy birthday. 

vuukle comment

KIKO PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with