^

Pang Movies

Francine, iniyak kay Seth ang mga intriga!

Gorgy Rula - Pang-masa
Francine, iniyak kay Seth ang mga intriga!
Francine Diaz
STAR/File

MANILA, Philippines — Kasado na ang Regal Entertainment sa shooting ng pelikulang My Future You, tampok ang tambalang FranSeth nina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Sa May 7 na raw magsisimula at natapos na nila ang script reading at look test.

Mataas ang expectations nila sa tambalan ng dalawa, pero ang maganda rito, wala silang ilusyon sa fans na magiging sila bandang huli.

Naging close lang talaga sila at sabi nga ni Seth, nandiyan lang daw sila na nagkakampihan sa isa’t-isa.

Iniiwasan sa story conference ng naturang pelikula na pag-usapan ang isyu ng mga bashing. Pero nandiyan lang daw silang nagsusuportahan silang dalawa.

“Hindi lang naman po kami ni Francine ang magkakampi.

“Meron pong tao sa paligid namin which is pamilya po ni Francine, pamilya ko po. Ang team po ni Francine, ang team po magkakaibigan, iisa ang gusto. Lahat po sila ay iisa ang pangarap para sa amin. Lahat po sila sinusuportahan kami.

“So, kung dumating sa punto po na may naging nega, hindi lang po kaming dalawa ang magsasalita sa isa’t-isa. Marami po.

“At ang bukambibig po sa amin ng mga taong nasa paligid namin, galingan namin palagi. Ginusto namin ‘to, pangarap namin ‘to, pangarap nila sa amin.

“Masaya kami dito, mas masaya sila para sa amin.

“Dun pa lang malaking bagay na napagkakasunduan na namin ni Francine… na ginagawa namin ‘to para sa sarili namin, para sa pamilya namin… para sa FranSeth, at siyempre para sa mga taong patuloy na nagtitiwala sa amin, patuloy na inaabangan kami at nagmamahal po sa amin,” seryosong pahayag ni Seth.

Hindi na nagdagdag ng pahayag si Francine na nakangiti lang.

Pero sinundan namin ng tanong sa mga isyung hinarap nila at sa mga sinasabi ng mga tao, iniyak ba niya ito kay Seth?

“I would say na more than umiiyak is napipigilan niya ‘yun. Natu-turn niya into laughter,” tipid na sagot ni Francine.

“Hindi siya nagsusumbong. Nararamdaman ko si Francine. Hindi na niya kailangang magsumbong sa akin,” dagdag na pahayag ni Seth.

Gary V, may repeat concert agad!

Puno ang SM MOA Arena nung Biyernes at Sabado na kung saan ginanap ang Pure Energy concert ni Gary Valenciano.

Bale 40th anniversary na niya ito sa music industry at sinabi niyang ito na raw ang huling big concert niya.

Pero dahil sa success ng dalawang gabing concert na ito, naka-schedule na agad ang repeat na gagawin na nila sa May 10.

Pero hindi pa rin talaga matatawaran ang energy ni Gary V at talagang nag-enjoy ang lahat sa naturang concert.

Wala pa rin siyang kakupas-kupas na siya lang talaga ang nakakagawa nu’n.

Dagsa ang special guests sa naturang concert na sina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Ebi Dancel, Ice Seguerra, Gloc 9, Darren, Jona, AC Bonifacio at marami pa.

Bitin nga si Martin dahil tig-isang kanta lang sila. Kaya nag-dialogue ang Martin na mas mahaba pa raw ang biniyahe niya kesa sa ipinerform sa stage.

Pero masaya ang lahat, siya pa rin talaga ang total performer at pinag-isipan nang husto ang konsepto ng concert.

vuukle comment

FRANCINE DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with