^

Pang Movies

Marian, nag-viral ang patikim kay Marimar!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Marian, nag-viral ang patikim kay Marimar!
Marian Rivera
STAR/File

Wow 30 million na ang followers ni Marian Rivera sa Facebook.

Actually matagal nang si Marian ang most followed local celebrity sa FB.

Aniya sa kanyang post : ‘Good morning Happy 30m followers… Awww!’ Samantala, nag-viral ang kanyang TikTok video na Asoka Style - Marimar.

May patikim si Marian sa nasabing iconic character na ginawa niya noong 2017.

1R1ZZ, ilalabas na ang klaro

Binubuo sila nina Wy­nonan Guison, Ginger Ann, Princess Subhi, at Cary Cayanan. Mahigit isang taon ngang naghahanap ang Dragons Artist Management ng mga young girl na marunong kumanta, sumayaw, at maganda.

Sa wakas, ipinanganak na ang IR1ZZ, at ilulunsad nila ang kanilang unang single, entitled Klaro, na sinulat ng mga dating miyembro ng Gandaras na sina Christa Jocson at Mira Aquino.

Ang Dragons Artist Management ay pinamumunuan nina Bambbi Fuentes and Tine Areola.

ABS-CBN Film Restoration, kinilala sa Parangal ng Sining

Itinanghal bilang isa sa film industry icons ang ABS-CBN Film Restoration matapos gawaran ng Lifetime Achievement Award sa ginanap na Parangal ng Sining ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) bilang pagkilala sa kontribusyon nito sa pag-restore ng mga natatanging pelikulang Pilipino.

Nagpasalamat ang ABS-CBN Film Restoration head na si Leo Katigbak sa FDCP para sa parangal at sa patuloy nitong suporta sa mga adhikain ng Sagip Pelikula.

“Maraming salamat sa inyong pagpapahalaga sa ginagawa namin. Ito po ay isa sa adbokasiyang hindi kaagad nakikita ang halaga pero sa kinalaunan ay makikita niyo rin, lalo na ng mga susunod na henerasyon, na nabigyan nating importansya ang ating nakalipas at ito rin ay magbibigay importansya sa ating kinabukasan,” saad ni Leo.

Inalay rin niya ang award sa dating ABS-CBN president na si Charo Santos-Concio para sa kanyang kontribusyon sa pagtatag ng Sagip Pelikula, magmula noong sinimulan ang ABS-CBN Film Archives 30 taon na ang nakalilipas.

Malugod ding binati ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee ang kanilang natanggap na parangal.

Aniya, malaki ang kontribusyon ng Sagip Pelikula hindi lang sa pag-restore ng kanyang mga isinulat na pelikula kundi pati na rin sa pagpapahalaga ng kulutrang Pilipino sa pamamagitan ng mga digitally restored na pelikula para masaksihan ng mga susunod na henerasyon.

Sa pamamagitan ng adhikain nitong Sagip Pelikula, layunin ng ABS-CBN Film Restoration na mag-archive, preserve, restore, at remaster ng mga pelikula mula sa mga respetadong filmmaker at manunulat mula sa iba’t ibang panahon na pinagbidahan din ng mga award-winning na aktor, para tangkilikin ng mga manonood ngayon at sa kinalaunan.

Magmula sa pagtatag nito noong 2011, mahigit 200 na titles na ang na-restore ng Sagip Pelikula, kabilang ang marquee titles nitong Himala, Oro, Plata, Mata, Ganito Kami Noon…Paano Kayo Ngayon?, Kakabakaba Ka Ba?, at Dekada ‘70, pati enhancement ng LVN classics tulad ng Giliw Ko, Ibong Adarna, at Biyaya Ng Lupa.

Ipiniresenta nina FDCP chairman at CEO Jose Javier Reyes at National Artist na si Ricky Lee ang parangal kina Sagip Pelikula head Leo Katigbak at dating ABS-CBN president Charo Santos-Concio nitong Biyernes (Abril 19).

Sa ikalawa nitong edisyon, layon ng Parangal ng Sining event na kilalanin ang mga natatanging indibidwal at organisasyon sa kanilang mga naging kontribusyon sa industriya ng Philippine cinema.

Resbaker Kim Hewitt, wagi sa TNT Kids 2

Napagtagumpayan ng resbaker na si Kim Hewitt na masungkit ang titulo bilang ikalawang kampyeon ng Tawag ng Tanghalan Kids matapos niyang makuha ang pinakamataas na combined total scores mula sa mga hurado sa trending na ‘Huling Tapatan’.

“I feel happy and thankful to God and my coach. I also dedicate my win to my mom, who helped me a lot throughout my journey,” ani ni Kim matapos tanghalin bilang bagong kampyeon.

Naging mahigpit nga ang laban sa final round ngunit nanaig si Kim sa dulo nang makuha niya ang total combined score na 96.7% habang sina Dylan Genicera ay nakakuha ng 96.6% at sinundan ni Aliyah Quijoy na may 96.5%.

Nag-uwi ang bata mula sa Dumaguete ang P500,000, P300,000 worth of learning and home showcase, isang ma­nagement contract sa ilalim ng ABS-CBN Music, at espesyal na trophy.

Nakuha ni Kim ang boto ng mga huradong sina Jason Dy, Frenchie Dy, John Rex Baculfo, Roselle Nava, Christian Bautista, Jamie Rivera, Tutti Caringal, Katrina Velarde, Elha Nympha, at punong hurado Gary Valenciano matapos niyang mapabilib ang mga ito sa kanyang bersyon ng I Don’t Wanna Miss A Thing na na­ging winning song din ng naunang TNT Kids grand champion John Clyd Talili.

Ngayong Lunes, mapapanood na ang ikawalong edisyon ng TNT kung saan mga pambato naman mula sa iba’t ibang paaralan at pamantasan ang maglalaban-laban sa Tawag ng Tanghalan School Showdown.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with