^

Pang Movies

Paulo, ayaw aminin ang relasyon kay Kim!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Paulo, ayaw aminin ang relasyon kay Kim!
Paulo Avelino
STAR/File

Sa tinagal-tagal ni Paulo Avelino sa industriya, ngayon lang daw niya naranasang maging part ng loveteam kaya naman amazed na amazed din siya sa success ng tandem nila ni Kim Chiu.

“Iba pa rin ‘pag pinagtatambal,” sey ni Paulo sa Luis Listens vlog ni Luis Manzano. “Parang ‘pag pinagtatambal ‘yung dalawang artista na may chemistry, of course the fans keep rooting for them to be together in real life. Parang ang daming mga ano, eh.

“But ako naman, in my case, sinubukan ko talagang iwasan for the longest time because I really wanted to grow as an actor and I really wanted to study everything behind, sa likod ng camera.”

Una silang nagkasama ni Kim sa Linlang at aminado si Paulo na hindi nila in-expect na mamahalin ng tao ang kanilang tandem dahil sa serye ay magkaaway nga ang mga karakter nila at kakaunti nga lang daw ang kilig moments.

Kaya naman labis ang kanyang pasasalamat sa mga tumatangkilig sa KimPau loveteam.

“I’m very appreciative,” aniya. “For them to keep on posting, keep on editing stuff, to keep on tweeting that take time and effort, and I appreciate time and effort,” aniya.

Anyway, sa dulo ng vlog ay naglaro si Paulo ng “shot or pass” kung saan ay tinanong siya ng ilang katanungan na ‘pag hindi niya kayang sagutin ay magsi-sip siya ng wine.

Sa tanong kung single ba siya ngayon ay hindi ito sinagot ni Pau at nag-shot na lang ng alak.

Sumunod na tanong ay kung may nililigawan ba siya ngayon at shot din ng alak ang sagot niya.

Alex, nagpaliwanag sa ‘di pagsipot sa kasal ni Angeline

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram post ay nagpaliwanag at nag-sorry si Alex Gonzaga kay Angeline Quinto sa hindi niya pagdalo sa kasal nito.

Matatandaang ikinasal si Angeline sa kanyang non-showbiz partner na si Nonrev Daquina last Thursday, April 25, sa Quiapo Church.

Sa Instagram Story ni Alex ay nag-post siya ng wedding photo nina Angeline at Nonrev at binati niya ang bagong kasal kasabay ng pag-apologize sa hindi niya pagsipot.

Ayon kay Alex, si Angeline rin daw ang may kasalanan kung bakit hindi siya nakarating sa wedding.

“Congrats nonrev and angge!” she wrote. “Sorry di nakapunta.”

Patuloy niya, “si angge kasi may kasalanan. Pero HAPPY AKO PARA SA INYO!! God bless your marriage and family more.”

Ini-repost naman ni Angeline sa kanyang IGS ang message ni Alex at nilagyan niya ng caption na “Hahahaha (laughing face with tears emojis).”

vuukle comment

PAULO AVELINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with