^

Pang Movies

Kampon ni Vice, parang inaapi ni Jessica

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kampon ni Vice, parang inaapi ni Jessica
Vice Ganda
STAR/File

MANILA, Philippines — Bakit hanggang ngayon ay may trolls pang pilit na ginagawang issue ang hindi diumanong pagpapatawad ni Jessica Soho kay Vice Ganda sa ginawa noong panlalait sa kanyang pagkatao sa harap ng napakaraming tao noon sa Araneta, ganoong ilang taon na rin naman daw ang nakaraan.

Ilang beses ba raw nagtangkang makipag-ayos si Vice pero hindi siya pinansin ni Jessica. Parang pinapalabas pang underdog, o kawawa naman si Vice dahil ayaw siyang unawain ni Jessica.

Ganun. Naku ‘wag baliktarin ang isyu.

May kasalanan si Vice at prerogative ni Jessica na hindi siya makipagkaibigan sa komed­yante.

Eh ano ngayon kung nasa GMA 7 na ang It’s Showtime?

Aljur, may parinig sa bagong lovelife ni Kylie?!

Totoo kaya ang kuwento na diumano’y sinabi ni Aljur Abrenica na ang hinahanap niya ay isang babaeng uunawain siya kung maraming pagkukulang hindi iyong nagkamali ka lang minsan may kapalit ka na?

Ba’t kailangang buhayin ang ganitong isyu na parang lumang-luma na.

Aminin naman natin, noong magsama sila ni Kylie Padilla natural ang inaasahan noon ay isang partner na makakasama niya sa hirap at ginhawa. Hindi naman maaaring puro hirap lang ang kanilang pagsasama. Huwag mong sabihing pogi si Aljur dahil kung wala namang kinabukasan ang pamilya sa kanya sino nga ba ang tatagal?

Hindi mo rin naman masasabing hindi nagtiis si Kylie. Noong magsama sila ay halos walang trabaho si Aljur dahil naipit na siya matapos niyang idemanda ang GMA 7 at sabihing binibigyan siya ng projects na hindi niya gusto at hindi bagay sa kanya.

Ngayon ipinagmamalaki niyang syota niya ang bold star na si AJ Raval.

Ano naman ang gagawin ni Kylie? Eh ‘di palitan siya.

Ngayon parang lumalabas pang si Kylie ang may kasalanan dahil hindi siya napagtiisan noon?

Lian, may reklamo

Nabanggit ni Lian Paz na noong nag-aaral pa siya isang daang piso rin ang allowance niya sa isang araw, at doon niya kinukuha hindi lamang ang pagkain niya sa eskuwela kundi pati ang kanyang pamasahe. Nabanggit niya iyan dahil sa naunang sinabi ni Atasha Muhlach na noong nag-aaral pa siya isandaan lang ang kanyang allowance.

Sabi nga ni Lian malamang si Atasha ay inihahatid pa at sinusundo sa eskuwela, “ako hindi pati pamasahe doon na kukunin sa isang daan.”

Hindi naman nagrereklamo si Lian pero ang sabi ng bashers hindi siya kuntento sa isang daan na ibinibigay ng magulang niya noong nag-aral pa siya, eh si Paolo Contis nga binuntis siya at naanakan pa ng dalawa walang allowance na ibinigay sa kanya.

Mabuti nga at niligawan si Lian ni John Cabahug na bukod sa isang basketball player ay may mga negosyo pa sa Cebu. Si John ang tumulong kay Lian para mabuhay ang dalawa niyang anak at pinag-aral pa ang mga iyon.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with