^

Pang Movies

Andi, inintriga sa ‘di pagsama ni Philmar sa Japan!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Andi, inintriga sa �di pagsama ni Philmar sa Japan!
Koa, Andi at Lilo
STAR/File

Enjoy sa bakasyon ang dating aktres na si Andi Eigenmann kasama ang mga anak sa Japan.

Binahagi ng anak ni Jaclyn Jose ang mga litrato nila habang namamasyal sa Japan gaya ng Universal Studios Japan sa Osaka.

“First on our Osaka itinerary: Lilo & Koa’s first amusement park experience,” caption niya sa kanyang post kung saan pinakita niya ang mga litrato ng mga bagets na tuwang-tuwa roon at na-enjoy nila ang roller coaster rides.

Kasama rin nila ang panganay ni Andi na si Ellie kay Jake Ejercito pati na rin ang pamilya nila Gabby Eigenmann.

Marami ang pumuri kay Ellie na lutang na lutang na ang ganda na dalaga na rin.

Bagay na bagay raw rito kung sakaling pasukin nito ang showbiz na hindi imposible dahil parehong taga-showbiz ang pamilya ng mga magulang niya na sina Andi at Jake.

Bukod sa mga bata ay nag-enjoy rin ang Siargao-based former actress sa theme park na nagkaroon daw ng magical time sa wizarding world ng Universal Studios Japan.

Pero isa sa napansin ng netizens at mga Marites ay bakit hindi nito kasama ang fiancé na si Philmar Alipayo.

Ang dami pa nilang haka-haka kung bakit hindi ito kasama at sinabing mukhang hiwalay na raw ang mga ito dahil hindi na rin daw nagla-like ang mga ito ng posts sa isa’t isa.

Kung mababasa ito ni Andi ay siguradong hindi niya magugustuhan ang mga paratang sa mapapangasawa at pati na rin sa kanya.

May mga nagtanggol naman kay Philmar at sinabing kagagaling lamang nito sa surgery kamakailan at posibleng nagpapahinga ito at matagal namang nakaplano ang kanilang trip sa Japan.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with