^

Pang Movies

Patol pa more sa bashers... Pokwang, may bagong kaso sa ex!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Patol pa more sa bashers... Pokwang, may bagong kaso sa ex!
Pokwang

Pinatawa na naman kami ni Pokwang sa mga sagot sa mga basher at kahit talaga galit na sa mga nakisawsaw sa isyu nila ng ex niyang si Lee O’Brian, hindi pa rin naaalis sa kanya ang pagiging komedyante. Kaya kahit imbyerna, masaya pa ring basahin ang kanyang mga comment.

Nabanggit kasi niya na kaya gustong mag-stay ni Lee sa bansa dahil feeling yayamaning expat. May nagtanong sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng expat? Ang sagot ni Pokwang, “google mo” na ikinatawa namin.

Sa nag-comment na hindi naman sila kasal, kaya wala siyang karapatang magpuputak, klasik ang sagot ni Pokwang na “mas gaga ka buti di kami kasal ng animal na yan kung nagkataon hahati pa yan sa pinagpaguran ko, BOBA.”

Ang mas nakakatawa pa ang sagot niya sa nag-comment na kung siya ang nasa lugar nito, hindi siya uuwi ng bahay na may asawang bungangera at asal kalye. Mas gugustuhin na lang daw niyang mag-party sa BGC.

Sagot niya, “Nakakaawa kayo sa sobrang sawsawera mga BOBO! di nga ako marunong mag English pano ko bubungangaan yang user na yan? TANGA!”

Sa naghanap kay Pokwang dahil hindi na mabasa ang mga comment niya, sagot nito, “Nasaan ako? Eto nag pa file ng another case. Nandito pa ako nagre-ready ng another case VAWC ready na ba kayo maipagtanggol yan?”

Richard, magpa-file ng custody sa mga anak?!

Sa interview ni MJ Felipe kay Sarah Lahbati, tinanong siya kung single na ba siya at hindi ito itinanggi ni Sarah.

Hindi na nag-follow up question si MJ at hindi na rin nag-elaborate sa kanyang sagot si Sarah. Hindi malinaw kung annulled na ang kasal nila na ikinasal sa isang civil marriage. Ang alam namin, may planong church wedding ang dalawa at hindi na natuloy ‘yun hanggang sila ay maghiwalay.

Co-parenting ang setup nila sa kanilang dalawang mga anak, puwedeng magpalipat-lipat ng bahay ang mga anak nila. May nabasa lang kami na magpa-file ng custody si Richard sa kanilang mga anak. Ibig bang sabihin, gusto niya na sa kanya mag-stay sina Zion at Kai at dadalaw lang kay Sarah?

Shaira, pinagmalaki ang bagong sasakyan

Proud owner ng brand-new white Ford Everest si Unang Hirit host Shaira Diaz at isa pang nakaka-proud sa dyowa ni EA Guzman, cash na binayaran nito ang sasakyan.

Snow, ang itinawag ni Shaira sa bago niyang SUV. Nasa tabi ng sasakyan siya na nakapikit at naka-clasp ang mga kamay na tila nagpapasalamat sa blessing na dumating sa kanya.

Masaya si EA para kay Shaira, ni-repost nito ang photo nito katabi ang SUV nito at may caption na “Congratulations my love!!! You deserve all the blessings in life. Ako ang pinakamasaya para sa’yo. Nakaka proud ka.”

Proud din naman si Shaira sa bagong series ni EA, ang Lilet Matias: Attorney-At-Law na magpi-premiere na sa Monday, March 4, 3:20 p.m., sa GMA 7 sa direction ni Adolf Alix Jr.

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with