^

Pang Movies

Winwyn, nag-jowa reveal na

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Winwyn, nag-jowa reveal na

Nilantad na ng aktres at dating beauty queen na si Winwyn Marquez ang fiance na si Rayn at daddy ng anak niyang si Luna.

Binahagi ng anak nina Alma Moreno at Joey Marquez sa unang pagkakataon ang mukha ng karelasyon kasama ang kanilang daughter sa kanilang family photo bilang pagbati sa Pasko.

Kung dati ay pinost niya ito na naka-shades sa kanilang family picture sa beach, ngayon ay buong-buo na ang mukha nito at malinaw na.

Maraming netizens ang natuwa sa ginawa ni Winwyn at sa wakas ay nag-jowa reveal na raw ito na may hawig pa raw kay Paulo Avelino at naguwapuhan talaga sila roon.

Bukod dito ay cute na cute rin ang fans sa anak nilang si Luna na para raw manyika ang hitsura. Aabangan daw nila ang paglaki nito na siguradong lalaking maganda raw.

‘Kailangan ng motivation...’

Alam n’yo ba na nasa dialysis ako kahapon! Kaloka ‘di ba! Pagkatapos lang ng Pasko back ka na naman sa mga hated mong ginagawa. Iyon bang balik-gamutan na naman kayo. Nakakatawa nga na batian ng Merry Christmas pero nakapila ka para sa dialysis treatment mo. Ewan ko ba, hindi mo naman makuhang mairita dahil kailangan mong gawin.

Pero kung minsan gusto ko na namang maging naughty at huwag nang magpa-dialysis, hah hah.

Talagang kung kelan ako tumanda doon ako pinagdusa ng apat na oras na procedure ng dialysis. Iyon bang sana kasama ka sa Korea ng Revilla family o kaya nasa USA ako para dalawin ang apo ko na si Kinsey na sa halip mag-work sa isang convenience shopper ay ipagpatuloy ang college studies niya dahil nag-iisa ko siyang apo.

Naku talagang short na pasensiya ko sa ginagawa kong twice a week dialysis. Parang waste of time talaga. Palagay n’yo, dapat na akong magrebelde, hah hah.

Talagang iba-iba na ang tumatakbo sa utak ko. Talagang bored na ako, kailangan na talagang magkaroon ako ng motivation.

vuukle comment

WINWYN MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with