^

Pang Movies

Iya, may infection sa boobs?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Iya, may infection sa boobs?!
Iya

Napa-Google kami nang mabasa ang post ni Iya Villania sa kanyang Instagram story na “Me after spending a whole day out with the bigger kids and not expressing or releasing milk. I thought I’d be okay coz Astro only feeds about 2x during the day. In other words, wasn’t able to release milk from 8am-4pm. What is this? Engorgement or Mastitis? Feeling weak and right boob feels firmer than usual and warm.”

Sa Google naman inalam kung ano ang Mastitis at Engorgement at sabi ni Google, ang Mastitis ay “inflammation of the breast that sometimes involves infection.” Ang Engorgement naman ay “happens when the milk isn’t fully removed from your breast.”

Hopefully, feeling better na siya na sa accompan­ying photo sa kanyang post, mukha ngang may dinaramdam at may masakit sa kanya. Hindi pa naman tayo sanay na makitang hindi nakangiti at masaya ito.

Siguradong may mga magko-comment na dapat hindi na nila dagdagan ni Drew Arellano ang kanilang anak at kung anu-ano pang comment. Ang alam namin, last na nilang anak si Astro, kaya tigilan n’yo siya ng mga not so nice comments.

Pauleen, inggit sa pagkain ni Atasha

Napa-react si Pauleen Luna sa video ni Atasha Muhlach na maganang kumakain habang nasa set ng E.A.T. at obvious na hindi uso sa kanya ang diet dahil pansit at kanin ang sabay na kinain. Carbo to carbo ang kinakain nito at nasa harap nito ang bilao ng pansit. May plastic container pa siya na fried rice ang laman at kumain din.

Kaya swak ang caption ng post sa Facebook ng TVJ Official na “Presen­ting our new EAT Girl... as in your new food buddy.” Comment ni Pauleen, “Sana all!!! Love her.” Si Pauleen kasi, nagda-diet yata bukod sa preggy siya at hindi makain ang lahat ng gustong makain.

Hindi ma-Instagram si Atasha dahil ang last entry niya ay noon pang in-launch siya sa E.A.T. at ilang araw na ang lumipas. Ang request ng viewers ng show sa production niyo, sabihan ito na dalasan ang pagpo-post sa IG at magkuwento raw siya sa hosting experience niya.

Request pa ng viewers ng E.A.T., sana maging host na rin ng show ang twin brother ni Atasha na si Andres Muhlach para mas doble ang saya.

Jennylyn, lulundag din sa ABS-CBN?!

Si Jennlylyn Mercado naman ang nababalitang aalis sa GMA Network at lilipat sa ABS-CBN, ito ay pagkatapos lumabas ang larawan ng aktres kasama ang mga taga-Star Music na sina Jonathan Manalo at Roxy Liquigan. Bale ba, ang caption ni Jennylyn sa kanyang post ay “Exciting times ahead.”

Ang hula naman ng mas nakararami, naghahanda ng concert o kaya’y album si Jennylyn to celebrate her 20th anniversary in showbiz.

Tungkol sa paglipat, parang may kontrata pa sa GMA Network si Jennylyn at wala yata siyang balak lumipat ng network.

vuukle comment

IYA VILLANIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with