^

Pang Movies

Winwyn, regular na sa EB?!

Gorgy Rula - Pang-masa
Winwyn, regular na sa EB?!
Winwyn Marquez

Gustung-gusto pala ng taga-Eat Bulaga si Winwyn Marquez na guest co-host nila sa naturang noontime show.

Hindi pa kinukumpirma sa amin ng mga taga-EB kung magiging regular host na ba siya.

Pero magaling nga si Winwyn at bagay siya sa naturang noontime show.

Ilang beses ding naggi-guest si Winwyn sa Eat Bulaga nung sina Tito, Vic and Joey pa ang hosts.

Kaya medyo nakakasanayan na niya.

Hindi lang natin alam kung kaya ni Winwyn ang araw-araw na hosting dahil marami rin siyang ginagawa, at naka-focus pa rin siya sa pag-aalaga sa kanyang anak.

Ngayon ay abala siya sa promo ng pelikulang The Cheating Game ng GMA Public Affairs.

Gusto niya ang role niya rito bilang si Vanessa na malaki ang konek sa character na ginagampanan nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Sa nakaraang virtual mediacon ng The Cheating Game, sinabi ni Winwyn na open na raw siya sa mother roles.

Wala naman daw mabago sa career path niya ngayong may anak na siya.
Hindi naman daw talaga siya nagpapaka-daring sa projects na tinatanggap niya.

Herlene, ‘di masaya sa nakuhang korona

Kahit pagod pa rin sa nakaraang competition sa Miss Grand Philippines 2023, tumuloy sa taping ng Magandang Dilag si Herlene Budol.

Natuwa ang mga production staff kay Herlene dahil parang pinag-aralan daw ang script nito. Kaagad na kabisado ang mga linya at madali raw siyang napag-adjust sa character na ginagampanan niya.

Dati raw kasi kapag naka-break nang matagal-tagal, medyo nangangapa na naman ito. Pero ngayon daw ay madali na siyang nakakabisado ng linya at alam na ang gagawin.

Napansin naman daw ng iba na parang hindi siya masaya sa title na nakuha niya, pero sinasabi naman daw niya sa ibang katrabaho na paghandaan niya ang pagsali niya sa Miss Tourism World sa London sa darating na November.

Bilang Tourism ang titulong dala-dala niya, napag-aralan na rin kaya ni Herlene ang stand niya sa isyung hinarap ngayon ng “Love the Philippines” campaign ng Department of Tourism?

Pero dito raw muna siya mag-focus sa Magandang Dilag na ilang araw na lang ay matatapos na ang taping nila.

Kailangan na raw talagang matapos ang taping dahil ilan sa co-stars ni Herlene ay naghahanda na sa kanilang nalalapit na kasal.

vuukle comment

WINWYN MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with