^

Pang Movies

Winwyn, ‘di pa adjusted sa pagiging ina

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Winwyn, �di pa adjusted sa pagiging ina
Winwyn at Luna
STAR/ File

Lutang ang pagiging proud mommy ng Kapuso star na si Winwyn Marquez. Ibinahagi niya ang mga karanasan bilang bagong nanay.

Hindi pa rin daw siya makapaniwala na ang bilis ng paglaki ng baby girl niya na si Luna. Fourteen months na pala ito at masarap sa kanyang pakiramdam ang pagiging isang ina.

Inamin niyang nag-a-adjust pa rin siya dahil hirap siyang iwan ang kanyang baby. “Medyo nag-a-adjust pa ako kasi ang hirap iwan ng anak ko. Alam ko naman it’s possible to thrive in both. I’m just lucky to be with them right now, tuluy-tuloy lang ang saya.”

Hindi naman siya nag-iisa sa pag-aalaga niya dahil kasama niya ang non-showbiz partner niya na hands-on din sa pag-aalaga sa kanilang anak.

“Naggi-give and take kami, I have to work, I have to go back to my career. I am just so happy to have people around me supporting me,” pahayag pa niya.

Napapanood si Winwyn sa Eat Bulaga bilang guest host.

Buboy, ‘di nananapaw!

Type ko si Buboy Villar. Tuwang-tuwa ako ‘pag napapanood ko siya sa TV. Kasi nga parang casual na casual lang siya, wala siyang hilig manapaw, naghihintay siya ng cue kung kelan siya papasok. Saka napaka-pleasant niya sa TV.

Tawang-tawa ako nang sabihin niya kay Paolo Contis na marami na siyang ka-loveteam kaya huwag nang bigyan ng bagong partner. Talagang dala niya mga one-liner.

Kaya palagay ko malayo ang mararating ni Buboy Villar. Iba ang da­ting niya. Congrats, Buboy, bongga.

vuukle comment

WINWYN MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with