^

Pang Movies

Batikang aktres na si Angie Ferro, nanawagan ng tulong pinansyal at dasal

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Batikang aktres na si Angie Ferro, nanawagan ng tulong pinansyal at dasal

Nangangailangan ngayon ng tulong ang veteran actress na si Angie Ferro.

Kasalukuyan umano itong naka-confine sa Qualimed Medical Center (Room 323) matapos magkaroon ng pangalawang stroke.

Umaasa raw ang 84-year old actress sa tulong mula sa mga kasamahan sa industriya dahil wala diumano itong immediate family na maaaring magbigay sa kanya ng financial aid.

Anuman daw halaga na maaari ibigay ay makakatulong sa kanyang mga bayarin sa ospital at mga gamot.

Puwede umanong magpadala ng mga cash na donasyon kay NOEL MIRALLES, ang kanyang protege: GCash- 09926675389 (Noel Miralles)

O kaya Bank transfer sa pamamagitan ng LANDBANK

Pangalan ng Account: Noel Miralles

Account No.: 2726208398

Lumabas si Ms. Angie sa GMA’s Amaya, Lola Igna (where she won PPP 2019 Best Actress), Lav Diaz’s Ebolusyon ng Isang Pamilyang Pilipino at sa mga pelikula nina Ishmael Bernal, Lino Brocka, etc.

Liza, wala pang masabi sa mga plano sa career

Bridging the gap. Ito ang last message ng host ng nag-interview kay Liza Soberano tungkol sa pagiging ambassador niya sa Save the Children na kumalat sa Twitter kahapon at kung anong mga plano niya.

Pero wala siyang binanggit tungkol kay James Reid na sinasabing bagong manager niya.

Ang sagot niya lang sa host nang tanungin siya kung anong mga plano niya, wala pa raw siyang puwedeng sabihin. “There’s a lot of exciting things in store. Nothing really to talk about specifically,” umpisa niya.

“ I’m kind of trying to take ownership over my own career right now. I’m making a lot of big moves but yeah like I said nothing specific to talk about. It’s just  me trying to explore different opportunities out here and in the Philippines.

“Stuff that I’ve never done before,” buong sagot niya sa nasabing interview.

Magaling na make-up artist at favorite ni Maricel, namayapa na rin

Pagkatapos ni Fanny Serrano, isa pang mahusay na make-up artist ang pumanaw, si James Cooper.

Ang talent manager na si Manny Valera ang naunang nag-post nito sa social media. “Sad to hear your passing my friend JAMES COOPER. Through the many years of working with you by giving the best hair and make up to the Diamond Star Maricel Soriano, you would always bring positivity on the set with ur winning smile, distinct laughter and a million chikas. I never saw you down in all of those years.

“It has been a privilege visiting your beautiful house in Tiaong, Quezon many times over and enjoying your ever sweet lanzones and other fruits in season. The big garden with flowers galore and trees are amazing!

“Thank you for the unforgettable friendship. We love you and will miss you forever! Go with the angels!”

Matteo, natuloy ang pakikipag-usap sa GMA

Malaki raw ang chance na maging Kapuso si Matteo Guidicelli.

‘Yan ay kung matutuloy-tuloy daw ang negotiation na nagaganap between his camp ang GMA Network ayon sa isang source.

May nauna na kaming naisulat na hindi kinaya ng GMA ang talent fee ng mister ni Sarah Geronimo sa isang programang ipinitch nito sa GMA.

Pero hindi raw ‘yun nakarating sa nasa top management kaya tuloy ang pag-uusap.

Nagkaroon daw kasi ng idea ang mga boss nang mag-guest si Matteo sa From Farm to Table na napanood sa GTV. At doon daw naging interested ang mga executive ng GMA at nagtanong ito ng talent fee ng actor.

vuukle comment

ANGIE FERRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with