^

Pang Movies

Jona inabot ng lindol sa Mindanao

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Jona inabot ng lindol sa Mindanao
Jona

Nasa Davao City ang singer na si Jona nang lumindol sa Mindanao noong isang araw kaya ramdam nila ang sobrang lakas ng lindol.

Actually, nakuhanan pa ni Jona ng video ang paglindol.

Nang makapalitan ko si Jona ng DM (direct message) sa Messenger ay sinabi niyang, “Opo Tito Jun, nasa davao kami ngayon, buti hindi pa po kami nakaakyat ng room noong lumindol. Thank you for checking, appreciate it po. God bless us always.”

Ok nanan daw sila at may birthday event doon, kaya sila nagpunta, pero kahapon ay nakabalik na siya ng Manila at may ASAP Natin ‘To siya bukas.

So, may aftershocks ba?

“Meron po kanina mga 1:40am, pero sobrang hina lang po. Hindi naman po ako natakot or stress, kawawa nga lang po ‘yung mga directly affected sa lindol, pray na lang po lagi for safety para sa lahat,” sabi niya nang kumustahin ko kahapon.

Tama, let’s all pray para sa mga apektado ng lindol sa Mindanao.

Angeline at K sa Amerika nag-Halloween

Noong Thursday, nasa Glendale, California sina Angeline Quinto at K Brosas, kaya join sila sa Halloween costume party roon.

Nasa Amerika ang dalawa para sa concert series nila.

Cat woman ang costume ni Angeline at ang sexy niya sa pictures na shinare sa social media ng show promoter nilang si Anna Puno.

Sobrang saya nga pala si Anna dahil ‘yung start ng concert series nina Angeline at K ay ang bongga.

At least, malayo sila kay KZ Tandi­ngan na palpak ang mga naging show sa US, kaya nakansela na lang ang iba.

James at Nadine nag­lagare sa Halloween party

Ang mag-live-in partner na sina James Reid at Nadine Lustre sa Opulence: Let Them Eat Cake Halloween event ni Raymond Gutierrez sa The Tent at Solaire.

Nanggaling sa ibang Halloween party ang mag-sweethearts, pero humabol sa Opulence at nakasama sila sa star-studded Halloween party ni Raymond.

Ang bongga!

Martin may concert hanggang Israel

Nasa Tel Aviv, Israel si Martin Nievera para sa show niya roon mamayang gabi.

Enjoy si Martin dahil nakapaglibot sila sa Holy Land.

Kasama roon ni Martin ang girlfriend niyang si Anj del Rosario at manager na si Joy Alonzo.

Special guest ni Martin sa show niya roon mamayang gabi si LA Santos at Ahwel Paz (of DZMM).

In fairness to Martin, sobrang in demand pa rin siyang concert performer around the world na may mga Pinoy community, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

JONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with