^

Pang Movies

Erwin walang takot kahit pa pasakan ng bala ang bunganga!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Nakatsikahan namin sa isang resto ang batikang newscaster ng TV5 at Radyo5, ang isa sa Tulfo Brothers na si Erwin Tulfo, ang mga palaban at matatapang na tagahatid ng balita na napapanood sa said Kapatid network at radyo. The other three Tulfos ay sina Ramon, Raffy, at Ben.

Naku, siguradong mabibitag ka kapag may kasalanan sa madla at hindi makakaiwas dahil mala-palos sila kung kumilos at mabilis kahit hindi kataasan.  Nakatsikahan namin si Erwin kahit konting oras lang dahil may hinahabol pa raw siya.  

Babalik na raw this February ang ang daily show niyang T-3 na ipapalit kay Lourd de Veyra, another host of TV5.  

Mayroon pa rin daw Punto Asintado sa Radyo5 at may new segment na advice from experts sa TV5.  

Si Erwin at tatlo pang Tulfo guys ay matagal nang kilalang newscasters sa telebisyon (iba’t ibang network) at kilalang mga walang takot na mamamahayag ng tabloid at broadsheet. Mga kolumnistang walang kinatatakutan, walang inuurungan kahit pasakan mo ng bala ang mga bunganga, idudura lang nila at lalo kang babantayan kesehodang highest official ka ng bansa, kesehodang alagad ng batas, basta sa katotohanan, walang takot, hindi pwedeng lagyan ng piring ang mata nila. Hindi puwedeng plasteran ang bibig.  Isang military man ang ama nila pero sa kanilang ina sila takot. Ito raw ang disciplinarian ng pamilya nila. Pero maraming kabutihan ang natutunan nila, lalo na ang pagiging maka-Diyos, maka-mahirap, at mapagkawanggawa.  

Maraming natulungan si Erwin at ang mga utol niya pero hindi na raw dapat ‘yun ipagsigawan.  Kasi, ang pangarap ni Erwin ay walang taong nagugutom lalo na ang mga bata.

 

vuukle comment

ANG

BABALIK

DIYOS

ERWIN

ERWIN TULFO

ISANG

NAKATSIKAHAN

NBSP

PUNTO ASINTADO

SI ERWIN

TULFO BROTHERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with