^

Pang Movies

Luis walang pinalalampas na bashers!

Jun Nardo - Pang-masa

Masipag sumagot sa tanong ng netizens si Luis Manzano kahapon. Dagsa ang tanong sa hashtag niyang #AskLuis mula sa simple tanong hanggang sa kalokohan.

Palibhasa witty, nasosopla ni Luis nang walang keber ang follower. Eh sa mga babaeng close sa kanya, nangunguna ang mom niyang si Gov. Vilma Santos, girlfriend na si Angel Locsin, BFF na si Anne Curtis at stepsister na si Addi.

Eh, pumapatol sa bashers at haters si Luis, huh! But he can get away with it!

Minsan nga, may nagpadala sa kanya ng message na kabastusan. Sinopla niya talaga ito kahit hindi niya kilala, huh!

Pagdating naman sa plano niya sa pulitika, hindi itinago ni Luis na gusto niyang sundan ang yapak ng inang si Governor Vilma Santos-Recto pagdating sa pulitika.

Plano niyang mag-aral sa mga susunod na taon upang lalong mapagtibay ang kaalaman niya sa go­vernment administration.

Take note na maging si Wilson Flores na columnist ng Philippine Star at may-ari ng Kamuning Bakery ay naki-join sa #AskLuis, huh! Ha! Ha! Ha!

Sa totoo lang, baliw-baliw ang dating ni Luis pero matalino siyang tao at higit sa lahat, ginintuan ang puso, huh!

$2.2-M ang halaga bahay ni Sharon sa CA, sold na?!

Nawala ‘yung post ni KC Concepcion sa Instagram account niya tungkol sa for sale na bahay ng mother niyang si Sharon Cuneta sa Calabasas (kung tama ang memory namin), California nu’ng isang araw.

Nagkakahalaga ang mansion ng megastar ng USD2.2-M ayon sa ulat na inilabas din ni KC. Bonggang-bongga ang deskripsyon ng bahay na hindi ka na talaga lalabas kapag nandoon ka!

Home nga ang tawag ni Sharon kapag tumitira siya roon. Pero mukhang hindi na niya magiging tahanan ‘yon dahil ipinagbibili na niya dagdag pa sa lumabas na report.

But take note na kahit maraming pera, nagbabayad pa rin ng malaki sa BIR si Sharon, huh!

vuukle comment

ANG

ANGEL LOCSIN

ANNE CURTIS

GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO

KAMUNING BAKERY

LUIS

LUIS MANZANO

NIYA

PHILIPPINE STAR

SHARON CUNETA

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with