^

Pang Movies

Bakasyon ni Derek nasulit nang makita ang anak

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sinamantala ni Derek Ramsay ang isang show sa Dubai na sinabayan ng bakasyon doon, in preparation sa pagsisimula ng shooting niya with Kris Aquino ng entry ng Star Cinema sa coming Metro Manila Film Festival sa December.

Pero naging the best vacation iyon ni Derek dahil after ten months, nagkita sila muli ng anak na si Austin Gabriel.  Naalaala namin ang sinabi ni Derek sa isang presscon na miss na miss na niya ang anak na nasa Dubai kasama ang inang si Mary Christine Jolly at doon na nag-aaral.

Wala raw silang communications ng anak dahil hindi niya ito makausap kahit sa cellphone man lamang.  Nagkaroon kasi sila ng agreement ni Mary Christine in 2014 na sa ina ang custody ng bata.

Nag-post si Derek sa kanyang Instagram account ng “Words can’t define how happy I am right now. God is good. Finally got to see my son again. Love you Austin.”

Donita Rose hindi pa rin natiis ang showbiz

Narito pa pala sa bansa si Donita Rose at katatapos lamang niyang mag-guest co-host for two nights kay Camille Prats sa life style show ng GMA News TV na MARS habang wala si Suzi Entrata na nagbabakasyon ngayon with her family sa Europe.

Pero starting this Wednesday until Friday, si Boobay naman ang guest co-host ni Camille.  For tonight, makikipagkulitan sina Camille at Boobay sa tween actress na si Gabbi Garcia at Hannah Priscilla, ang biriterang grand winner ng Bet Ng Bayan, 7:00 p.m.

Alden at Yaya Dub, nagre-rehearse na magkahiwalay

Congratulations to the AlDub Nation dahil Monday afternoon sold out na lahat ng tickets sa Philippine Arena para sa Tamang Panahon special ng Eat Bulaga sa Saturday, October 24.

Sa mga nagtatanong kung delayed telecast daw ba ang show dahil magsisimula ito ng 10:00 a.m., sagot ni Joey de Leon, magkakaoron muna ng front acts ng mga invited guests at pagdating ng 11:30 a.m. mapapanood na sa TV ang simula ng show.  Kaya iyong nasa Phil. Arena lamang ang makakapanood ng 10:00 a.m. show.

Pero ang isa raw aabangan sa noontime show ay ang production number na gagawin for the first time nina Alden at Maine.  Ayon kay Alden nag­ri-rehearse na sila ni Maine pero hindi pa rin sila sabay, mapapanood na raw lamang ito sa actual show.

Totoo kayang gusto nilang maabot ang 36 million tweets, para raw sa 36th anniversary ng Eat Bulaga? Kapag nagawa ito ng AlDub Nation, matatalo na nila ang existing highest twitter record na more than 30 million.

vuukle comment

ANG

AUSTIN GABRIEL

BET NG BAYAN

BOOBAY

CAMILLE

CAMILLE PRATS

DEREK

DONITA ROSE

EAT BULAGA

NBSP

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with