^

Pang Movies

MMFF movie ni Robin tuloy pa rin, si Cesar ang ipinalit

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ang bigat panoorin ng video na in-upload ni Robin Padilla sa YouTube kung saan ay makikitang nagpapa-check up si Mariel Rodriguez hinggil sa kundisyon ng kanyang triplets.

Sa nasabing video ay sinabi ng OB-Gynecologist kay Mariel na walang hearthbeat ang tatlo at awang-awa kami sa reaksyon ni Mariel.

Sa ikalawang pagkakataon, nakunan na naman si Mariel and this is so heartbreaking dahil nakita naman nating lahat na halos hindi niya kayanin when she lost  her baby the first time last March.

Nakakalungkot din na isinakripisyo pa naman ni Binoe ang Metro Manila Film Festival (MMFF) movie niya na Nilalang. Kinailangan niyang mag-back-out sa pelikula para personal na maalagaan ang maselang pagbubuntis ng asawa.

We just hope and pray na makayanan ng mag-asawa ang pangalawang dagok na ito and we look forward na pagkatapos ng lahat ng ito’y may maganda namang kapalit na biyaya.

Samantala, marami naman ang nagtatanong kung ano na ang mangyayari sa Nilalang. May tsismis kasing out na rin sa MMFF list ang movie at ipapalit daw na ConMan ni John Lloyd Cruz na matatandaang hindi nakapasok sa Magic 8 dahil nasa 9th slot ito.

Ayon sa post ni katotong Mel Navarro sa kanyang Fabook account, two days matapos mag-back-out si Robin sa movie ay hinanapan na agad siya ng kapalit ng produksyon at kinausap na si Cesar Montano para gawin ang movie.

Ayon pa sa post ni Mel, in-acknowledge naman daw ng MMFF si Cesar bilang kapalit ni Binoe kaya kumpirmado nang si Buboy ang gagawa ng pelikula.

So, tuloy pa rin ang Nilalang sa MMFF at hindi raw totoo ang tsikang pinalitan na ito ng ConMan.

Maria Ozawa tinawag na baliw ang mga naninising fans ni Robin

Si Maria Ozawa ang sinisisi ng ilang netizens sa pagkakaroon ng miscarriage ni Mariel. Nagalit kasi ang Japanese actress sa pagba-back-out ni Binoe sa Nilalang at tinawag niya ang aktor na unprofessional.

Sa kanyang Instagram account nagpo-post ang netizens ng mga negatibong comment at hindi napigilan ng aktres na mag-react.

“If you have something to say to me, then say it in English so I can understand you,” ang sagot ni Maria sa mga negative comments.

“And blaming me for the miscarriage is wrong,” post ulit ni Maria.

May nagtanong kung masaya ba siya sa nangyari kay Ma­riel at sagot ni Maria, “Why do you sound like as if I wanted that to happen? You’re such a crazy person... and cold-hearted.”

In fairness to Maria, of course, wala naman siyang kinalaman sa nangyari kay Mariel kaya bakit nga naman siya ang nasisisi?

Kahit lampas 40 Dawn malakas pa rin ang alindog sa mga kalalakihan

Ang dami palang fans na lalaki ni Dawn Zulueta. Ito ang tsika sa amin ng isang taga-Star Cinema base sa nasaksihan nila sa premiere night ng The Love Affair na pelikula ng aktres with Richard Gomez and Bea Alonzo.

Ang dami raw lalaking nanood ng movie and they found out na karamihan sa mga ito ay fans ni Dawn. Ganu’n daw pala talaga katindi ang appeal ng aktres sa male crowd.

Marami rin of course fans si Bea at hindi naman ito naka­kagulat. Pero rebelasyon daw talaga si Dawn na hindi raw talaga nagpa­talbog sa rami ng lalaking tagahanga.

Karamihan daw sa male fans ni Dawn ay mga nasa 20s and 30s lang. Ganu’n ka-yummy ang aktres considering na nasa 40’s na ito.

“Karamihan sa fans niya ay mga husband na niyaya ang wife nila to watch the movie or ‘di kaya naman ay may girlfriend na niyaya ang GF na manood,” say ng aming kausap.

Oh well, dapat maging proud di­to ang asawa ni Dawn na si Anton Lagdameo. Crush ng bayan ang kanyang misis, ‘di ba naman?

Anyway, nagbukas ang The Love Affair last Wednesday, Aug. 12 at balitang punong-puno ang mga sinehan hanggang sa last full show.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANTON LAGDAMEO

AYON

CESAR MONTANO

ITO

LOVE AFFAIR

MARIEL

MGA

NAMAN

NILALANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with