^

Pang Movies

Richard malungkot din sa sinapit ni AiAi, excited na kay Juday

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ikinalungkot din ni Richard Yap ang nangya­ring kanselasyon ng Valentine concert ni AiAi delas Alas noong Feb. 12. As we all know, dapat sana’y kasama siya rito pero nag-back-out nga siya a week before the show dahil hindi siya nabigyan ng downpayment.

A night before the show ay nag-anunsyo na rin si AiAi na hindi na matutuloy ang concert dahil nga sa diumano’y hindi rin daw nabayaran ng mga produ­cers ang venue.

“I felt very bad for Ms. AiAi,” sabi ni Sir Chief sa kanyang post Chinese New Year blow-out for the entertainment press na ginanap sa pag-aari niyang Wangfu Restaurant sa Tomas Morato, “That she had to cancel the show a day before and she had to go through all that.

“Kasi, ang hirap nu’n, ang dami na niyang ginawa, she even had to co-pro­duce the concert para lang ma­tuloy, pero hindi nga rin na-fulfill nung part ng producer.

“Ang hirap ‘yun on her part so I feel very bad for her,” sabi ni Richard.

Hindi pa raw sila nagkakausap ni AiAi since then, pero wala naman daw silang problemang dala­wa. Wala silang rift o anumang gusot dahil naniniwala naman siyang naintindihan ng ko­medyana ang kanyang sitwasyon.

Samantala, sa nasabing Chinese New Year blow-out ni Ri­chard ay inanunsyo niyang gagawa sila ng teleserye ni Judy Ann Santos under Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN.

Excited siya sa nasabing serye na sisimulan na nila by mid-March at ididirihe nina Onat Diaz and Trina Dayrit.

May gagawin din siyang dalawang pelikula under Star Cinema na hindi pa raw puwedeng sabihin ang detalye dahil kasalukuyan pang inaayos ito. Nakatakda rin siyang gumawa ng bagong album under Star Records this year.

Marvelous umalma, hindi raw totoong ti­nang­gihan ang fans na gustong magpa-picture

Itinanggi ng TV5 talent na si Marvelous Alejo ang bagong isyung lumabas sa kanya recently na ayaw daw niyang magpa-picture sa fans at feeling sikat na siya.

“First thing, hindi ako po ‘yung tipong mag-iinar­te or tipong kahit sa fans, na mag-iinarte sa ka­nila kasi unang-una, hindi po ako pinalaking ga­nu’n ng mom ko,” paliwanag ni Marvelous nang makausap namin sa pocket interview para sa bago niyang Watt­pad series titled Ex Ko Ang Idol N’yo na magsisimula na ngayong Lunes sa TV5.

Ayon pa sa young actress, napakahalaga raw ng fans sa kanya at tinatrato niya ang mga ito na parang pamilya.

Maging ang kapatid nga raw niya, nang malaman na may isyung ganu’n ay lumapit sa kanya at nagsabing, “ate, bakit may ganitong issue sa ‘yo, eh hindi ka naman ganito?”

Ang lumabas na tsika kasi, ha­bang nagti-taping siya for Wattpad, diumano’y binilinan niya ang staff na huwag magpapasok ng fans na magpapa-picture sa kanya dahil ayaw niyang magulo ang kanyang buhok.

Ipinaliwanag ni Marvelous na sobrang layo raw ng tent sa set at ma­bilisan ang lahat, kailangang naka­bihis, naka-make-up na and all, at nag-taping daw sila hanggang umaga nang walang break time.

“Minsan nga, kung saan-saan na lang ako nagbibihis para lang mapadali. So, alam n’yo po ‘yun, ‘yung pagod, baka ina­kala nila. . .pero hindi po totoo talaga na tumatanggi ako sa pictures kasi I love my fans, I treat them as my family,” say pa ni Marvelous.

Sa Wattpad Presents Ex Ko Ang Idol N’yo ay makakasama ni Marvelous ang boyband na Chicser sa pangunguna ni Ranz Kyle Ongsee na kanyang leading man.

Bukod kay Ranz, ang Chicser ay kinabibilangan ng magkapatid na Oliver and Owy Posadas, Ully­ses Basa, Biboy Cabingon, at Clarence Villafuer­te.

Mapapanood ang Wattpad Presents Ex Ko Ang Idol N’yo Monday hanggang Friday starting tonight, 9 p.m. sa TV5.

 

vuukle comment

BIBOY CABINGON

CHICSER

CHINESE NEW YEAR

CLARENCE VILLAFUER

DREAMSCAPE ENTERTAINMENT

EX KO ANG IDOL N

JUDY ANN SANTOS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with