^

Pang Movies

Santo Papa nagpasalamat pa libro ni Rita Avila, nakarating kay Pope Francis

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kamuntik mapaiyak ang showbiz couple na sina Rita Avila at Direk Eric Reyes nang tumanggap sila ng thank you message from Pope Francis. Natanggap na raw kasi ng Santo Papa ang mga librong regalo ni Rita na ipinadala sa Roma, ang librong 8 Ways to Comfort with Grace at The Invisible Wings. Napasabay pa sa ika-8th anniversary ng pagkawala ng kanilang anak na si Jesu ang nasabing pasa-salamat ng Santo Papa.

Noong Dec. 2, naimbitahan ang aktres na magbasa ng librong kanyang isinulat sa mga estudyante sa UP.

Pauleen naging bukang-bibig dahil kay Bossing

Si Marian Rivera ang leading lady ni Bossing Vic Sotto, sa isa sa mga episode ng My Big Bossing, pero nakikipag-kumpetensiya si Pauleen Luna sa rami ng publicities na lumalabas. Gamit na gamit ang name ni Pauleen dahil palagi siyang topic tuwing babanggitin ang My Big Bossing na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Kung sabagay, pabor ito kay Pauleen dahil nakakalibre siya ng publisidad sa araw-araw. Salamat sa karelasyon niyang si Bossing Vic.

Toni at Direk Paul makupad sa pagpapakasal

Isa pang urong-sulong sa planong kasalan ay sina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano. Hindi nila malaman kung kailan ang petsang magandang magpakasal. Dapat sigurong mag-decide na ang dalawa, baka mamaya kapag natuloy ang kasalan, ibang girl na ang ihaharap sa altar ni Direk Paul. Baka maunahan pa siya ng utol niyang si Alex Gonzaga. naku ayaw ni Mommy Pinty ‘yan.

Alden hindi tumagal na Rizal dahil sa dimple

Hindi raw gaanong nagtagal sa ere ang teleseryeng Ilustrado na pinagbidahan ni Alden Richards. Wala naman daw kasing dimples si Dr. Jose Rizal.

Gov. ER ayaw patalbog sa Magnum

Hindi patatalbog ngayong MMFF ang action star na si ER Ejercito sa kanyang movie na Muslim Magnum .357 directed by Jun Posadas. Knowing ER, every MMFF, palaging outstanding ang kanyang entry. Bidang babae sa movie si Sam Pinto.

Ayaw din paawat ng entry ni Robin Padilla na Bonifacio: Ang Unang Pangulo kung saan katambal niya si Vina Morales. Mabuti naman at palaging may mga action star pa rin na kasali sa MMFF kahit hindi nakakasali si Sen. Bong Revilla. Sino kaya ang makakahalili ni Sen. Bong sa every year niyang panalo sa Best Float sa Parade of Stars ng MMFF?

Dahil sa katabaan, Shaina naagawan ng role ni Isabelle

Nagkomento si Shaina Magdayao na siya sana ang leading lady ni Gerald Anderson sa proyektong Nathaniel, pero napunta ang role kay Isabelle Daza. Tumaba raw kasi ang aktres kaya’t ibinigay ito kay Isabelle. Ang suwerte naman ni Isabelle dahil kabagu-bago pa lang sa ABS-CBN eh may project na kaagad.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALEX GONZAGA

ANG UNANG PANGULO

BEST FLOAT

DIREK PAUL

MY BIG BOSSING

PAULEEN

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with