^

Pang Movies

Pero fans deadma to the moon and back: Nadine Samonte isang taon na ring kasal!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kasal na raw sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco nitong February. Mahigit isang taon namang kasal na si Nadine Samonte kay Ri­chard na anak ni Isabel Rivas.

Eh, ano ngayon? May interesado ba? Parang konti lang naman, huh!

Lumabas kasi ang mga balita sa pagpapakasal ng dalawa sa kasagsagan ng nalalapit na pagpapakasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera; Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista; John Prats at Isabel Oli. Paandar ang wedding proposals ng tatlong pares kaya wala silang keber kung umamin ang dalawang parehas na married na sila, huh!

Mali kasi ang timing ng dalawang ikinasal nang lumabas ang balita. Eh, ‘yung kasal nina Jennica at Alwyn, itinaon sa pagkakaroon nila ng series sa TV5. So hindi maiiwasang isipin na gimik ito para pag-usapan.

Eh, si Nadine nu’ng huli naming makausap, panay pahaging na pakakasal na sila ng current boyfriend. ‘Yun pala, kasal na!

Denay kasi nang denay sa totoong estado ng buhay sina Jennica at Nadine. So sa halip na bigyan sila ng pansin, dedma to the moon and back ang entertainment press!

Starlet na nawala saglit, nagmumura na sa tangos ang ilong

Nagmura ang katangusan ng ilong ng isang starlet na napansin ng ilang tao sa isang showbiz event.  Hindi naman kasi bago sa showbiz ang starlet kaya alam na nila ang hitsura nito nu’ng nagsisimula pa.

Kontrobersiyal na ang startlet nang magsimula sa showbiz. Kung anu-anong unpleasant tsismis ang ikinabit sa kanya. Dedma lang siya at pansamantalang nawala sa showbiz.

Pagbalik niya, aba, ibang-iba na ang dating niya. Mas prominente nga lang sa kanya ang super-tangos na ilong na halos waley nang nose line, huh!

Hindi sana mapapansin ng ilan ‘yon kung simple lang ang retoke ng ilong niya. Kaso, super tangos at nagbago ang mukha, kaya ang baha­ging ‘yon ng mukha ang naghuhumiyaw, huh!

Pelikula nina Angelica, Angeline, at Assunta may mga patatamaang mga manufacturer ng pampaganda

Very timely ang konsepto ng pelikulang Beauty in a Bottle mula sa Skylight Films at Quantum Films. Kasi naman, maraming babae ngayon ang nahuhumaling sa mga produktong nag-aakalang magbibigay ng bagong anyo sa mukha at katawan nila, huh!

Bida sa movie sina Angelica Panganiban, Angeline Quinto, at Assunta de Rossi na directorial debut ni Antoinette Jadaone na nagsulat ng Da Possessed ng Star Cinema.

For fun lang ang movie kahit na siyempre, me­rong matatamaan sa mga manufacturers ng similar product. May isang aktres nga na dati ay morena ang dating, but recently, nang makita namin siya sa isang event, aba, halos wala na ang itim-itim sa kanyang mga kutis, huh!  Feeling namin, resulta ito ng mga produktong usung-uso ngayon, huh!

Sa tatlong aktres, nahasa na si Angelica sa pagpa­patawa. Si Angeline naman natural na komikera. Tanging si Assunta lamang ang wala kaming background kung may dating sa pagpapatawa. Tingnan natin kung makakasabay siya sa dalawang co-stars, huh!

vuukle comment

ALWYN UYTINGCO

ANGELICA PANGANIBAN

ANGELINE QUINTO

ANTOINETTE JADAONE

ASSUNTA

CHIZ ESCUDERO

DA POSSESSED

DINGDONG DANTES

HUH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with