^

Pang Movies

Alden sa motel na lang nakikiligo!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ikinagulat pala ni Alden Richards ang pagbibigay ng role sa kanya ni Dr. Jose Rizal sa Illustrado, ang kauna-unahang bayani na ipi-feature sa Bayani Serye ng GMA-7 na ipalalabas na simula sa October 20, pagkatapos ng Strawberry Lane. Alam daw niya may mga unang na-consider to play the role pero sa kanya rin ito napunta.

“Nang magsimula po kaming mag-taping, hindi ko alam na ganoon kalaki ang scope ng story sa buhay ni Rizal na gagawin namin,” kuwento ni Alden nang bumisita kami sa set nila sa Philippine Normal University (PNU).

“Akala ko, ilang important scenes lamang ang kukunan namin, tulad ng ibang seryeng ginawa ng GMA, hindi pala, buong buhay niya, hanggang sa pagbaril sa kanya sa Bagumbayan. Doon na po pumasok iyong kaba ko na baka hindi ko mapantayan ang acting ng mga unang gumanap na Rizal tulad nina Cesar Montano, Joel Torre, at Albert Martinez. Pero ipinangako ko sa aking sarili na gagawin ko ang lahat para hindi naman ako mapahiya.

“Ang maganda po lamang dito, binigyan ng ibang perspective ng mga wri­ters, sa tulong ng mga historical consultants at ni direk King Marc Baco, para mas maintindihan ito ng ating kabataan ngayon. Mapapanood din dito, na si Rizal ay very human, na marami rin siyang ginawa noon tulad ng pagiging playboy niya, nagsugal din siya, uminom ng alak, pero ang pagmamahal niya sa kanyang bayan at pamilya, hindi niya pinabayaan.”

Last taping day na ng Illustrado sa Wednesday kaya mababawasan na ang kan­yang busy schedules. Inamin ng young actor na hindi na siya nakakauwi sa kanilang bahay at nagtsi-check-in na lamang siya sa kahit motel  na malapit para lamang siya makapaligo. Iyon daw lamang kasi ang pakiusap niya sa  production, kahit hindi siya makatulog, bigyan lamang siya kahit two hours na makapaligo bago siya pumunta sa next schedule niya. After kasi ng taping ng Illustrado, sa regional taping naman nila ng Bet Ng Bayan which he is hosting every night at every Sunday with Regine Velasquez-Alcasid para sa update ng reality talent show ng GMA ang tuloy niya. Kung minsan nga raw may mga nakakakita sa kanya, pero hindi niya pinapansin dahil kasama naman niya ang kanyang handler at driver. 

Bukod kay Kylie Padilla na gaganap ng kanyang only love, si Leonor Ri­vera, kasama rin sina Solenn Heussaff as Nellie Bousted at Max Collins as Consuelo Ortiga as his European lovers. Gaganap na ina niyang si Teodora Alonzo si Eula Valdez, at may special participation sina Jaclyn Jose, Polo Ravales, Freddie Webb, Ricardo Cepeda, at iba pa.

 

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

ALDEN RICHARDS

BAYANI SERYE

BET NG BAYAN

ILLUSTRADO

NIYA

RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with