^

Pang Movies

Kathryn may sariling mobile ‘show’

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang teen queen na si Kathryn Bernardo ay patuloy na nagbabahagi ng mga trivia tungkol sa kanyang sarili sa pama­magitan ng kanyang lifestyle show na mapapanood lamang sa ABS-CBNmobile.

Kasama sa mga trivia na ito, na ‘di pa nalalathala o nakikita kahit saan, ang kanyang fashion preferences, paboritong kulay ng wallet, kanyang hobbies, paboritong libro at pelikula, mga bagay tungkol sa kanyang pamilya, at iba pa.

Ang mobile show na ito, na kung tawagin ay “experienceKATHRYN in 15 days,” ay nagsimulang ipalabas noong Hunyo 7 at natapos noong Hunyo 21. Pero ang 15 episodes ay maaari pa ring mapanood kahit pagkatapos ng Hunyo 21.

Dito pinapakita ni Kathryn ang kanyang “kikay style” at lahat ng mga bagay na “Kath approved.”

Ang “experienceKATHRYN in 15 days” ay napapanood lamang sa ABS-CBNmobile. Kailangan lang bumili ng ABS-CBNmobile SIM at i-activate ito sa pamamagitan ng pagpasok nito sa isang compatible na smartphone. Kailangan lang i-download ang iWant TV app o ang iWant Stars for Kathryn app sa Google Play o sa App Store, at mag-avail ng promo load o di kaya ay magkaroon ng minimum maintaining balance na P10.

Ang episodes ay maari nang mapanood kahit anong oras at kahit saan gamit lamang ang smartphone. Di na kailangan mainip sa paghihintay ng bus o ng MRT, matagal na biyahe, o di kaya ay paghinintay sa mga ka-meeting kapag late sila. Maaari nang maka-catch up kay Kathryn at pati na rin sa ibang ABS-CBN shows.

 

vuukle comment

APP STORE

DITO

GOOGLE PLAY

HUNYO

KAILANGAN

KANYANG

KASAMA

KATHRYN

KATHRYN BERNARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with