^

Pang Movies

Mga baguhang senador na sina Grace Poe at Nancy Binay madali pang lapitan!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinahagi ng isang kaibigan ang ginawa niyang paghingi ng tulong sa mga bagong halal na senador. Pinadalhan niya ng pormal na letter ang mga senador na ito na nagbabakasakaling matulungan siya sa pangangailangan.

Laking gulat niya nang tumugon sa sulat niya sina Sens. Grace Poe-Llamanzares at Nancy Binay. Pinapunta siya agad sa office upang kunin ang tulong at magdala lang ng kaukulang requirements.

Pagdating sa office ng aming kaibigan sa office nina Sen. Grace at Sen. Nancy, inasikaso agad siya at walang matagal na paghihintay. Nakangiting umuwi ang friend namin dahil naramdaman niya ang kabaitan ng dalawang senadora kahit hindi niya personal itong napasalamatan.

’Yung ibang senador dedma, kaya sabi nga namin, “Dedma rin sa kanila kapag sila naman ang humingi ng tulong, ’no?”

Kaya nga love natin sina Sen. Grace at Sen. Nancy, ’di ba, Salve A.? (Wow! Bongga mo tito ha. –SVA)

Young actor na sikat na, kept man ng isang pulitiko

Bago pa man sumali sa isang talent reality search ang isang yummy young actor, may mga tsismis na sa kanya na pumapatol sa mga bading sa lugar nila. Pero nang manalo ay todo ang tanggi niyang nakakatanggap siya ng indecent proposal sa mga beki!

Pero ngayong kilala nang artista ang yummy actor, hindi pa rin nawawala ang tsismis na siya ang kept boy ang isang gay politician sa isang probinsiya. Kalat kasi sa lugar ng opisyal na closet queen ang drama, huh!

Hindi nababalitaan na pumapatos ang gay politician sa mga iba’t ibang lalaki. Ang kept boy niya ka­sing yummy actor ang nagbibigay sa kanya ng ligaya dahil naging loyal na raw ang artista sa kanya, huh!

vuukle comment

BONGGA

DEDMA

GRACE POE-LLAMANZARES

IBINAHAGI

ISANG

KALAT

NANCY BINAY

PERO

SALVE A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with