^

Pang Movies

Anak nina Benjie at Jackie bibinyagan na sa pelikula

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

First time aarte sa big screen ang panganay nina Benjie Paras at Jackie Forster na si Andre Paras sa pelikulang Diary ng Panget: The Movie na produced ng Viva Films.

Hango ito sa best-selling teen novel ni Denny o mas kilala bilang HaveYouSeenThisGirl na unang naging hit sa Wattpad.com.

Gagampanan ni Andre ang role na Chad, isang campus athlete na may sense of humor at best friend ng bidang si Eya na ginagampanan naman ni Nadine Lustre.

Kasama rin sa movie sina Yassi Pressman as Lori at James Reid as Cross.

Natutuwa si Andre dahil after ng kanyang exposure bilang host ng Sunday All Stars at pagiging video jock sa Pinoy MTV, ngayon ay aspiring actor na siya sa big screen at gustung-gusto niya ang role niya sa Diary ng Panget.

“Some of my friends they read this novel over the Internet and they keep telling me na bagay sa akin ang role na Chad if ever they turn this teen novel into a movie.

“Ako naman I got curious of what they were talking about kaya I read it and I really saw myself in the story. Halos pareho kami ng personality ni Chad kaya siguro naisip ng Viva to give me the role,” ngiti pa niya.

Desisyon naman daw niya ang gumawa ng pelikula at hindi na raw nakialam ang ama niyang cager turned comedian.

“I told my dad na gusto kong gawin ito. If I’m going to do a movie, ito na ‘yon kasi ang lakas ng following. May certified fans na siya waiting for it to be turned into a movie.

“Plus I get to work with people na matagal ko nang kilala like si James, Nadine, and Yassi. It’s like working with your family na rin,” masayang sabi ni Andre.

Ogie yaya ng anak habang rumaraket sa  probinsiya si Regine

Kahit sunud-sunod ang trabaho ay hindi nagagawang magreklamo ni Ogie Alcasid dahil enjoy naman daw siya sa kanyang mga ginagawa. Ilang gabi na kasi siyang kulang sa tulog dahil bukod sa kanyang tapings ay siya rin ang nag-aalaga ngayon sa anak nila ni Regine Velasquez na si Baby Nate.

Nasa Cebu kasi si Regine kaya ako ay single parent muna ngayon,” sabay tawa niya.

Kapag nagising na kasi ni Nate ginigising din niya ako. Hindi na ako makatulog ulit. Kaya pagdating sa taping, ayun, medyo inaantok pa kasi nga kulang pa tayo sa pahinga.”

Pero nakakapahinga naman daw si Ogie sa set kapag matagal pa ang take niya.

Kasalukuyang nagte-taping si Ogie ng bago niyang show sa TV5 na Confessions of a Torpe, kasama niya sina Alice Dixson, Gelli de Belen, Wendell Ramos, Bayani Agbayani, Alyssa Alano, Dennis Padilla, at  Jojo Alejar.

Bukod sa Confessions of a Torpe ay busy din si Ogie sa gag show na Tropa Mo Ko Unli at may isa pang show na niluluto para sa kanya bilang kapalit ng The Mega and the Songwriter.

vuukle comment

ALICE DIXSON

ALYSSA ALANO

ANDRE PARAS

BABY NATE

BAYANI AGBAYANI

BENJIE PARAS

DENNIS PADILLA

NIYA

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with